What's new

Daily Bread (March 19 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG PAGIBIG NG MARAMI AY LALAMIG" (MATEO 24:12)
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Diyos.
Nasa panahon na po tayo ng pagsagana ng katampalasanan, ibig sabihin mas nanaig ang mga kasalanan, kasamaan kaysa sa kabutihan, pagiging makasarili at pagibig sa mga makamundong bagay. Tignan po natin ang sinasabi ng Biblia tungkol sa mga uri ng katampalasanan na magaganap sa mga huling araw....(2 Timoteo 3:1-6)
"Ang mga Huling Araw"
3 Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. 2 Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. 3 Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti. 4 Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. 5 Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao... Hindi po bat ito ang nangyayari ngayon mga kapatid? Lalamig ang pagibig ng marami dahil ito po ang resulta ng mga kasamaang nakasulat sa ( 2Timoteo 3-6). Kaya nararapat na tayo po ay magpakalalim sa Salita ng Dios, ating labanan ng katwiran at kabutihan ang kasamaan. Bagamat hindi po ito matatapos sa halip ay lalala pa hindi pa rin tayo dapat makiayon dito. (Mga Taga-Roma 12:2)
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.


English Ver.


"THE LOVE OF MANY WILL BE COLD" (MATTHEW 24:12)
And because of the abundance of lawlessness, the love of many will grow cold.
a blessed day for all our brothers and sisters let us meditate on the Words of God again.
We are living in a time of abundance of wickedness, which means that sins, wickedness, and worldly love prevail over goodness. Let's look at what the Bible says about the kinds of wickedness that will take place in the last days .... (2 Timothy 3: 1-6)
"The Last Days"
3 You must know that in the last days perilous times will come. 2 For men will be lovers of themselves, lovers of money, proud, haughty, oppressive, disobedient to parents, ungrateful and blasphemous. 3 They will be unloving, unmerciful, slanderous, without self-control, violent, and without esteem for good. 4 They will be traitors, rash, arrogant, lovers of pleasure instead of lovers of God. 5 They have a form of godliness, but they do not see its power in their lives. Avoid that kind of people ... Isn't this what is happening now, brothers and sisters? The love of many will grow cold because this is the result of the evils written in (2 Timothy 3-6). So we must go deeper into the Word of God, we must fight righteousness and good against evil. Although it will not end but will get worse, we still should not agree with it. (Romans 12: 2)
Do not conform to the trend of this world. Instead, let God change your mind so that you can understand his will. Thus, you can do what is good, pleasing and perfect in God's will.
God bless us now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top