What's new

Daily Bread (March 16 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" GAANO KAHABA ANG BUHAY NG TAO?"
** *(AWIT 90:10) *,* *
"Ang mga taon ng aming buhay ay pitumpung taon, o kung malakas kami ay walumpung taon"
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
May ilang daang taon pagkatapos ng baha, sinabi ni Moises, "Ang mga taon ng aming buhay ay pitumpung taon, o kung malakas kami ay walumpung taon" (Awit 90:10). (Genesis 6:3 ) Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko ipapahintulot na mabuhay nang habang panahon ang tao, sapagkat siya'y makalaman. Hindi na lalampas sa 120 taon ang kanyang buhay sa daigdig.”
Ang mga talatang ito ay hindi nagtatakda ng eksaktong haba ng buhay ng tao na itinakda ng Diyos. Dahil may lumalampas ng 70 taon, may umaabot ng 90 at 100 taon at kung malalakas ay 120.Ano po ang ibig sabihin ng talata natin na ang mga taon ng aming buhay ay 70 taon at kung malakas ay 80 taon... Noong unang panahon ang mga unang tao bago ang baha ay umaabot ng 800 hanggang 900 taon ang edad. Ang pinakamatandang tao na nabuhay sa daigdig ay si Metusalem (GENESIS 5:25-27) Si Matusalem ay 187 taon nang maging anak niya si Lamec. 26 Nabuhay pa si Matusalem nang 782 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 27 Namatay siya sa gulang na 969 na taon... Pero ngayon sa panahon natin ang buhay ng tao ay maikli na lamang. kapag lumampas ka ng 70 taon bonus na po iyon. Kung ang ating buhay ay sumapit na sa 70 ibig sabihin nito marami na tayong nararamdaman sa katawan may mga pananakit na ng tuhod at kasukasuan nanlalabo na ang mga mata at marami na ring pagkalimot na nararanasan. Ibig sabihin ang edad na 70 ang hangganan ng ating kalakasan at kasiglahan ng buhay...At nakakalungkot na katotohanan ngayon ang buhay ng tao ay mas umiikli pa. Mas marami ng namamatay ng mas mababa ang edad sa 70. paikli ng paikli ang buhay. Kaya naman dapat po natin itong paghandaan.At mas higit na pagukulan ng panahon ang buhay na walang hanggan. Sa buhay na walang hanggan habang panahon na po ang ating igugugol doon walang hanggan at wala ng katapusan. Dito pansamantala lang po ang buhay at puno ng hirap at sakit. Kung iiuukol nating lahat ang ating buong lakas at panahon sa mundong ito mabibigo lamang po tayo dahil ang daigdig na ito ay patungo sa walang katiyakan. Ang langit lamang ang may katiyakan at hindi po tayo mabibigo.
PAGPALAIN PO TAYO NG DIOS NGAYON AT MAGPAKAYLANMAN SA PANGALAN NG PANGINOONG HESUS. AMEN.


English Ver.


"HOW LONG IS A HUMAN LIFE?"
*****(SONG 90:10) *,
"The years of our life are seventy years, or if we are strong eighty years"
Blessed day to all of us, let us meditate on the Words of God again.
A few hundred years after the flood, Moses said, “The years of our life are seventy years, or if we are strong eighty years” (Psalm 90:10). (Genesis 6: 3) The Lord said, “I will not allow man to live forever, because he is flesh. His life on earth will not exceed 120 years. ”
These verses do not specify the exact length of human life that God has set. Because some are over 70 years old, some are over 90 and 100 years old and if they are strong it is 120. What does our verse mean that the years of our life are 70 years and if they are strong it is 80 years ... In the old days the first people before the flood were 800 to 900 years old. The oldest man who ever lived was Methuselah (GENESIS 5: 25-27) Methuselah was 187 years old when he became the father of Lamech. 26 Methuselah lived 782 years and had other sons and daughters. 27 He died at the age of 969 years ... But now in our time human life is very short. when you exceed 70 years that's a bonus. If our life has reached 70 it means that we feel a lot in the body, there are pain in the knees and joints, the eyes are dimming and there is also a lot of forgetfulness. It means that the age of 70 is the limit of our vigor and vitality of life ... And the sad fact is that today human life is getting shorter. More people are dying under the age of 70. life is getting shorter. That is why we must prepare for it. And we will spend more time in eternal life. In eternal life we will spend time there forever and without end. Here life is only temporary and full of hardship and pain. If we devote all our energy and time to this world we will only fail because this world is heading towards uncertainty. Only heaven is sure and we will not fail.
GOD BLESS US NOW AND FOREVER IN THE NAME OF THE LORD JESUS. AMEN.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top