What's new

Daily Bread (March 12 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
(Marcos 10:45)
Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.”
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang ating topic ay tungkol sa paglilingkod at ang isang pinakadakilang halimbawa ng paglilingkod ay ang paglilingkod na ginawa ng ating Panginoong Hesus... Pumarito Siya sa daigdig na ito hindi upang lingkuran, kundi upang maglingkod. At pinatunayan Niya ito hanggang kamatayan doon sa Krus ng Kalbaryo dahil tinubos Niya tayo at ang ang dahilan ay dahil mahal Niya tayo.
Ang tunay na paglilingkod ay hindi maihihiwalay sa pag-ibig. Maaari tayong kumilos at maglingkod sa Diyos, ngunit kung ang ating puso ay wala sa ating paglilingkod, walang patutunguhan ang ating ginagawa. Malinaw na sinasabi sa 1 Corinto 13 na maliban na ang ating paglilingkod ay nag-ugat sa pag-ibig, ito ay walang kabuluhan. Hindi nais ng Diyos ang paglilingkod sa Kanya dahil obligasyon o pangangailangan lamang ngunit hindi bunsod ng pag-ibig. Sa halip. Ang paglilingkod sa Diyos ay dapat na natural, at puno ng pag-ibig bilang tugon sa Kanya na unang umibig sa atin tingnan ang (1 Juan 4:9–11).
" 9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan... Huwag nating kalilimutan mga kapatid na hindi tayo ang unang umibig sa Dios, kundi Siya ang unang umibig sa atin. Inibig Niya tayo noong tayo ay makasalanan pa.
Kaya naman dapat mahalin natin ang ating kapwa sa anumang estado o anyo ng kanyang buhay. Tulad ng sinasabi sa (Juan 4:11)
11 Mga minamahal, kung ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan."
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng Ama ng Anak at ng Banal na Espiriru Santo. Amen.

English Ver.


(Mark 10:45)
For the Son of Man came not to be ministered to, but to minister and to give his life a ransom for many. ”
A blessed day for all our brothers and sisters, let us once again meditate on the Words of God.
Our topic is about service and one of the greatest examples of service is the service done by our Lord Jesus ... He came to this world not to serve, but to serve. And He proved it to death on the Cross of Calvary because He redeemed us and the reason is because He loves us.
True service cannot be separated from love. We can act and serve God, but if our heart is not in our service, there is no purpose to what we are doing. It is clearly stated in 1 Corinthians 13 that unless our service is rooted in love, it is in vain. God does not want to serve Him out of obligation or need but not out of love. Instead. Service to God must be natural, and full of love in response to Him who first loved us see (1 John 4: 9–11).
"9 God demonstrated his love for us when he sent his only begotten Son into the world so that we might have life through him. 10 This is love: not that we loved God, but that we loved him. he and he sent his Son to be the sacrifice to forgive our sins ... Let us not forget, brothers and sisters, that we were not the first to love God, but that He first loved us, He loved us when we were sinners.
That is why we must love our neighbor in any state or form of his life. As it says in (John 4:11)
11 Beloved, if God so loved us, we ought also to love one another. "
God bless us now and forever in the Name of the Father of the Son and of the Holy Spirit. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top