What's new

Daily Bread (March 11 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" NAPAKAIKLI LANG ANG BUHAY NG TAO"
. (AWIT 103:15-16).
Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Sa awit ni haring David ay kanya ding tinuran na ang buhay nating mga tao ay katulad lamang ng damo lumalago sa parang na katulad ay bulaklak, pero ito ay darating sa panahon ng pagkalagas, nawawala at maglalaho.. Ganyan ang buhay ng tao, wala pang nakadiskubre magpahanggang ngayon kahit na ubod na ng unlad ang teknolohiya na mapigil ang kamatayan ng tao, sa katotohanan nga ayon sa pag aaral ay lalo pa ngang umiikli ang edad ng tao ngayon na namamatay... . Mas marami ngayon ang namamatay ng mga bata pa.. Para lamang tayong mga damo nandirito ngayon bukas ay wala na.. Sabi ng (Hebreo 9:27) "Nakatakda sa tao ang mamatay na minsan at pagkatapos ay paghuhukom". Ang buhay natin sa daigdig na ito ay napakaikli, ito ay pahiram lamang ng Dios at anumang oras ay maaari Niyang bawiin.
Isa pa hindi natin alam kung kailan tayo babawian ng buhay ng Dios, hindi natin alam ang oras o araw na nakatakda sa atin.. Kaya ang dapat nating gawin ay paghandaan natin ang araw na tayo ay kukunin ni Lord. Dahil pagkatapos ng buhay dito sa lupa ay tiyak na haharap tayo sa hukuman ni Kristo at Siya ang magpapasya kung saan Niya tayo dadalhin sa pagpapatuloy natin ng ating buhay.. Sa langit ba o sa impierno.
Mga kapatid mas paghandaan po natin ang pangwalang hanggang buhay dahil doon natin gugugulin ang ating buhay magpakaylanman.. Maikli lang ang buhay natin sa Daigdig huwag nawang dito mapokus ang lahat ng ating panahon.
Sumaating lahat ang pagpapala at pagiingat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Ver.


"HUMAN LIFE IS VERY SHORT"
. (PSALM 103: 15-16).
The life of the people is like grass, the field grows like a flower; it disappears and falls, when it is blown away, it disappears and can no longer be seen.
Blessed day to all our brothers and sisters, let us meditate on the Word of God again.
In the song of King David he also said that the life of our people is just like grass growing in a field like a flower, but it will come at a time when it will fall, disappear and vanish. Such is the life of man, nothing yet discovered until now that even though the technology that can prevent human death is very advanced, in fact according to the study, the age of the person who is dying is even shorter now .... More children are dying today. We are just weeds here today and tomorrow will be gone. (Hebrews 9:27) says "It is appointed unto men once to die, but after this the judgment". Our life in this world is so short, it is only a loan from God and He can take it back at any time.
Another is that we do not know when we will be deprived of God's life, we do not know the time or day that is set for us. So all we have to do is prepare for the day that the Lord will take us. Because after this life on earth we will surely face the judgment seat of Christ and He will decide where He will take us as we continue our life .. In heaven or in hell.
Brothers and sisters, let us prepare better for eternal life because that is where we will spend our lives forever. Our life on Earth is short. May we not focus all our time on it.
God's blessing and protection be with us all now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top