What's new

Daily Bread (June 8 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG MGA ANAK NG DIOS"
(1 JUAN 3:9-10)
9 Ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanila ang binhing mula sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama nila, hindi sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala. 10 Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Paano nga ba makikilala ang mga tunay na anak ng Dios? .. Sa panahon ngayon na napakaraming relihiyon at lahat ay nagaangking sila ay mga anak Dios hindi mo makikilala ang tunay kung walang pamantayan ang Biblia... Ang sabi po sa talatang 9,ang mga anak ng Dios ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala.. Kung sinasabi nating anak tayo ng Dios subalit patuloy pa rin tayong namumuhay sa kasalanan tayo po ay nag aangkin lang subalit sa katotohanan ay hindi. Ang mga anak ng Dios ay may binhing mula sa Dios. Hindi kailanman makapamumuhay sa kasalanan ang mga anak ng Dios. Sabi sa talatang 10,Dito makikilala kung sino ang mga anak ng Dios at kung sino ang mga anak ng diablo,
ang sinumang hindi gumagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos. Madaling makilala ang tunay na anak ng Dios ang mga ito ay lumalakad sa Katwiran at pamantayan ng Dios.. Ang mga hindi sa Dios ay makikilala rin sa kanilang mga gawa..Ang mga anak ng Dios ay umiibig kay Kristo kung talagang ang Dios ang ating Ama.
Sabi ng (Juan 8:42-44) 42 Sinabi ni Jesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo niya ako. 43 Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw ninyong tanggapin ang itinuturo ko? 44 Ang(A) diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan... Mga kapatid ang mga tunay na anak ng Dios ay nagmamahal kay Kristo at hindi na lumalakad sa kadiliman.
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top