What's new

Daily Bread (June 7 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG DIOS AY PAG-IBIG"
(1 Juan 4:16)
16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito.
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Nakakita na ba tayo ng isang ina na pagkatapos niyang pagalitan o paluin ang kaniyang anak na sinaway sa kamaliang nagawa ay muling magbabalik sa kandungan ng kaniyang ina pagkalipas ng ilang saglit. Paanong nagagawa ng isang anak na maramdaman ang walang katumbas na pag-ibig ng isang ina, gayong mayroong ilang mga mananampalataya na nahihirapang tanggapin ang kahawig o higit pang pag-ibig at kagandahang loob ng Dios?
Bilang mga anak ng Dios, dapat nating lubos na makilala ang katangian Niyang ito, na walang katumbas ang pag-ibig at kabutihan Niya sa atin. Bagaman may mga pagkakataon sa ating buhay na nadadama nating tila napakalayo ng Dios sa atin, subalit kung ating bubuksan ang ating mga kalooban at aalalahanin ang Kaniyang mga salita, mauunawaan nating lubos na hindi naman pala napakalayo ng Dios. Tayo pala ang nagkukulang, tayo pala ang lumalayo sa Kaniya dahil sa ating mga kasalanan.
Hindi mahalaga kung sino o ano ang kalagayan natin sa buhay. Ang Kaniyang pag-ibig at kagandahang loob ay walang hanggan at walang katumbas, hindi nagbabago at hindi sumusuko. Huwag lamang tayong pumayag na kumbinsihin tayo ng kalaban ng Dios na iniiwan Niya tayo sa panahong kailangan natin Siya. Pilit niyang ipinatatanggap sa atin na ang pag-ibig ng Dios ay naghahanap ng kapalit. Ito ay isang malaking kasinungalingan.
Hindi pa tayo nililikha ng Dios ay mahal na Niya tayong mga tao at wala tayong ginawa upang tamuhin natin ang Kaniyang kabutihang loob. Ang Dios ay pag-ibig (1 Juan 4: 16) At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya. At sapagkat mahal tayo ng Dios, hindi gaya ng sa tao, ang Kaniyang pag-ibig sa ating Kaniyang mga iniibig ay hindi nagmamaliw... Kapatid mahal ka ng Dios at ito ay hindi magbabago. Manatili tayo sa Kanyang pagibig, at mananatili din Siya sa atin..
Muli ang biyaya at pag ibig ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpagpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

By Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top