What's new

Daily Bread (June 6,2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HUWAG ALALAHANIN ANG BUKAS"
( Mateo 6:34)
34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
MAPAGPALANG araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang taong 2020 at itong 2021,ang panahon ng mga suliranin at maraming pagaalala, dahil sa pandemic na ating pinagdaraanan hindi kokonti ang nasisiraan ng loob. Lalo yaong mga nakaranas na tama an ng ganitong karamdaman. At napakarami rin ang nawalan ng hanap buhay malalaki man at maliliit na kapitalista. Kahit ang mga malls na dating dinadagsa ng tao ngayon ay kakaunti na ang pumupunta. Ang mga beaches and resorts ay bagsak din ang negosyo dahil nga sa pinaiiral na mga batas at protocols na dapat sundin kaugnay ng covid. Ano nga ba ang kahihinatnan ng bukas? Iyan ang katanungang nasa isip nating lahat.. Paano na ang kinabukasan ng ating mga anak at apo? .. Kung hindi dahil sa kaaliwan ng Salita ng Dios, mas marami pa ang mababalisa ma iistress at nakararanas ng depression. Kaya nga napakaganda nang ating talata na binanggit ng Panginoong Hesus.. " kaya nga huwag ninyong alalahanin ang bukas".. Alam kasi ng Panginoong Hesus ang negatibong resulta ng pag aalala.. Ito ay magdudulot sa atin ng kalungkutan, pagkatakot at karamdaman.. Kaya sabi pa Niya.. "Sapagkat ang bukas ang mag aalala sa sarili niya", parang sinasabi ng Panginoon dito na may nakalaang biyaya sa atin para bukas, naghahanda na ang bukas kung ano ang idudulot sa ating mga biyaya. At sa huli idinagdag din ng Panginoong Hesus na "Sapat na ang inyong suliranin sa bawat araw.. Iyon lang kasi ang kapasidad ng tao na alalahanin, yung problema sa kasalukuyang araw.. Kung iisipin natin at idadagdag pa sa ating alalahanin ang bukas at sa mga darating pang araw hindi ito makabubuti sa atin.. Alam ng Dios ang lahat ng ating pangangailangan.. May nakalaan na Siyang pagpapala sa iyo para sa araw ng bukas..Kaya huwag kang mag-alala, ipagkatiwala mo sa Dios ang araw ng bukas...
Muli sumaating lahat ang biyaya ya pagpapala at pagiingat ng Dios sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top