What's new

Daily Bread ( June 29 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
, HUWAG IPAGKAIT SA 'YONG KAPWA"
(Kawikaan 3:27)
Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito’y gawin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Napakaganda po ng ating talata ang sabi ay huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito ay gawin.
Maraming pagkakataon na maari tayong gumawa ng mabuti sa nangangailangan subalit kung minsan ay napipigilan tayo. Kung minsan ang dahilan ay hinihintay pa natin na magsabi sa atin ang ating kapwa, samantalang ang lakas ng udyok ng Espiritu na ikaw ay tumulong. Mayroon naman ay inaakalang ang mga ritwal na pagsamba ay mas higit na kailangang unahin.
Kung iniisip nating malapit na ang pagliligtas ng ating Panginoong Dios, hindi tayo dapat kakitaan ng pagwawalang-bahala. Sapagkat alam natin kung gaano ka-importante ang panahon, hindi natin ito pinapayagan na lumipas nang ganun na lang, at wala tayong nalilikhang kabutihan. Sabi nga ng Biblia,Kawikaan 3:27 Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito’y gawin... "May mag asawa na nagmamadali patungong simbahan sapagkat aabutin na sila ng oras ng pananambahan, ayaw nila na sila ay nalelate, subalit sa kanilang daraanan ay may nadaanan silang isang matandang nakahandusay sa kalsada at mukhang nangangailangan ng tulong. Tutulungan sana ng asawang lalaki subalit pinigil siya ng kanyang asawa dahil sa malelate na daw sila kaya iniwan nila ang ang tao at nagpatuloy sila ng lakad patungong kapilya".. Mga kapatid ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo ay pumupunta ng simbahan? , para lamang ba makumpleto ang ating attendance at maganap natin ang lahat ng programa ng pananambahan? .
Kung tinulungan ng magasawa ang lalaki mas higit sana silang nakagawa ng tunay na pagsamba sa Dios. Kailangang bumukal sa ating puso ang pagtulong natin sa mga nangangailangan ng tulong.. At ito ang ating pagkatawag.. (EFESO 2:10) "10 Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin."
Ito ang bunga ng ating pag ibig sa Dios. Hindi po kasi natin maaring ibigin ang Dios kung hindi natin minamahal ang ating kapwa. 1 (JUAN 4:20b) Sapagkat ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakikita. Mga kapatid huwag nating ipagkait sa ating kapwa ang kabutihan lalo na at may kakayanan naman tayong gawin ito. Sabi sa golden rule ng Panginoong Hesus.. (Mateo 22:37-39)
"Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili... Mga kapatid hindi po natin pwedeng paghiwalayin yan, Ang tunay na umiibig sa Dios ay umiibig din sa kanyang kapwa.
Muli ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top