What's new

Daily Bread (June 28 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAGMAHALAN TAYO"
(1 Pedro 4:8)
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Mga kapatid ano ano ba ang dahilan bakit kailangan nating magmahalan? Ito ba ay para maging maayos ang pagsasamahan? Ito ba ay para kapag tayo ay nasa kagipitan ay mayroong siguradong tutulong sa atin? O baka ito ay upang maging mapayapa ang ating mundong ginagalawan?
Alam ninyo po mga kapatid, kung ang lahat ng mga tao ay magmamahalan, kakaunti ang magiging kasalanan. Wala ng mag aaway at manglalamang sa kapwa dahil nagmamahalan.
(SANTIAGO 5:20) 20 ITO ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming KASALANAN. Bawat taong nagbabalik loob sa Dios ay nagbabago ng buhay kaya naman ang maraming kasalanan na dati niyang ginagawa ay hindi na niya ginagawa... Mas marami tayong madalang makasalanan sa paanan ni Kristo mas maraming kasalanan ang mapapawi. Kaya nga kinakailangan lahat ay ma born again upang maraming magbago ng buhay at mahango sa kasalanan. Ang poot ang galit at mga sama ng loob na hindi naghihilom sa puso ang siyang pinagmumulan ng kasalanan, subalit sinasabi po sa aklat ng (KAWIKAAN 10:12)
Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.
Tanging ang pagibig lamang ang pumapawi sa lahat ng uri ng kasalanan... Kung tunay na iniibig natin ang ating kapwa ibabahagi natin ang pagibig na ating naranasan sa pamamagitan ni Kristo. Maraming tao ang tiyak na pupunta sa kapahamakan.. Sabi ng (Roma 3:23) Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos .... (MgaTaga-Roma 6:23))
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Dahil sa pagibig ng Dios nahango tayo sa kasalanan, kaya po ibahagi natin ito sa iba upang marami ang mahango sa pagkakasala at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mga kapatid mahal po ba natin ang ating kapwa? Ibahagi natin ang Dakilang pagibig ng Dios sa kanila upang maranasan din nila ang kapayapaan ng buhay na wala na sa pagkakasala.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Tanging ang pagibig lamang ang pumapawi sa lahat ng uri ng kasalanan... Kung tunay na iniibig natin ang ating kapwa ibabahagi natin ang pagibig na ating naranasan sa pamamagitan ni Kristo.
Maraming salamat po.
 

Similar threads

Back
Top