What's new

Daily Bread (June 23 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"GOD IS GOOD ALL THE TIME"
( ECLESIASTES 3:15)
Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, kung ating susuriin ang sinasabi ni Haring Solomon, totoo nga naman paulit ulit lang ang nangyayari sa ating buhay. Sisikat araw- araw ang araw at lumulubog ito tuwing takip silim. Liliwanag at didilim. Bilang tao, tayo naman ay matutulog at gigising, magugutom at kakain, at ilalabas natin upang magutom ulit at kakain muli. Matatrabaho at iyon at iyon din ang ginagawa.
Pabalik balik lang ang mga sasakyan panghimpapawid man o panlupa. Iyon at iyon din ang nakikita natin araw araw. Ang mga nangyari noon ay nangyayari ulit ngayon... Sinabi rin ni Solomon sa Mangangaral chapter 1 ang mga ito ating basahin mga kapatid.. “Napakawalang kabuluhan![a] Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,”[c] sabi ng Mangangaral. 3 Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.
Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito? 4 Patuloy(A) ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. 5 Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. 6 Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot. 7 Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. 8 Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makayanang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. 9 Ang naganap noon ay nangyayari rin ngayon. Ang mga nagawa noon ay nagagawa rin ngayon; walang bagong pangyayari sa mundong ito. 10 Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito'y bago.” Ngunit naganap na iyon noong di pa tayo tao. 11 Hindi na maalala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malilimutan din sa hinaharap.... Sumapit sa buhay ni haring Solomon ang pagkabagot at pagkasawa sa buhay sa kabila ng nasa sa kanya ng lahat ng bagay hindi pa rin siya nakuntento . Ang dahilan mga kapatid si Haring Solomon ay hindi namuhay ng naaayon sa kalooban ng Dios. Sumamba siya sa mga dios diosan at nag-asawa ng ubod ng dami at mayroon pa siyang mga kabit.
Tumalikod si Solomon sa Diyos
11 Umibig(A) si Solomon sa maraming dayuhang babae. Bukod pa sa anak ni Faraon, nag-asawa siya ng mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Heteo. 2 Ipinagbabawal(B) ni Yahweh sa mga Israelita ang mag-asawa sa mga banyagang ito. “Huwag kayong mag-aasawa sa mga lahing iyan sapagkat tiyak na ililigaw nila kayo at hihikayating sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan,” sabi ni Yahweh. Ngunit nahulog ang loob ni Solomon sa mga babaing ito. 3 Ang mga asawa niyang mula sa lipi ng mga hari ay pitong daan, at ang kanya namang mga asawang-lingkod ay tatlong daan. 4 Nang matanda na si Solomon, nahikayat siya ng mga ito na sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan. Hindi siya nanatiling tapat kay Yahweh; hindi niya sinundan ang halimbawa ni David na kanyang ama.... Mga kapatid hindi natin makikita ang ganda ng buhay kung lalayo tayo sa sentrong kalooban ng Dios. Mamuhay tayo ng kalugod-lugod sa Kanya at ituring natin na ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay kalooban Niya at pagpapala, ng sa ganoon makita natin ang kagandahan ng buhay. Laging may bago at sariwang pagpapala ang Dios sa atin araw araw mga kapatid. Tandaan natin "GOD IS GOOD ALL THE TIME, AND ALL THE TIME GOD IS GOOD.
Sumaating lahat ang biyaya at pagpapala ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc

Screenshot_20210623_100732.jpg
 

Attachments

Back
Top