What's new

Daily Bread (June 22 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"SAAN PUPUNTA ANG TAO PAGKATAPOS NA MAMATAY?"
(HEBREO 9:27)
"Nakatakda sa tao ang mamatay na minsan at pagkatapos ay ang paghuhukom".
Bakit sinabi ng ating talata na pagkatapos ng kamatayan ay ang paghuhukom? Dahil hindi po parepareho ang ating destinasyon pagkatapos na tayo ay hukuman ni Kristo, may dalawang patutunguhan ang tao ayon sa Biblia at ito ay ang langit o impierno.... May isang panandalian at permanenteng lugar para sa mga mananampalataya at isang panandalian at permanenteng lugar din naman para sa mga hindi mananampalataya ngunit hindi nababago ang hatol sa kanila ng Diyos. Hindi isinulat sa Bibliya kung kailan darating sa isang tao ang kamatayan ngunit sinasabi sa atin ng Bibliya na matapos mamatay ang isang tao, dadalhin siya sa alinman sa dalawa lamang destinasyon: sa Langit o sa Impiyerno. Sa Langit siya kung pinagsisihan niya ang kanyang mga kasalanan at nagtiwala kay Kristo para sa kanyang kapatawaran mula sa kasalanan. Para sa mga mananampalataya, matapos ang kamatayan "iiwanan ko ang katawang ito na aking tinatahanan upang manirahan sa piling ng Panginoon" (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23). Para naman sa mga hindi mananampalataya, matapos ang kamatayan ay walang hanggang kaparusahan sa impiyerno (Lucas 16:22-23). Dito nagkakaroon ng kalituhan, kung ano nga ba ang mangyayari matapos ang kamatayan.
Inilalarawan sa Pahayag 20:11-15 na ang lahat ng nasa impiyerno ay itinapon na sa lawang apoy. Inilalarawan naman ng Pahayag kabanata 21-22 ang bagong langit at bagong lupa. Samakatuwid, habang hindi pa nangyayari ang pinakahuling pagkabuhay na mag-uli, matapos ang kamatayan, ang isang tao ay mananatili muna sa "panandaliang" Langit at Impiyerno. Ang walang hanggang destinasyon ng isang tao ay hindi na magbabago, subalit ang lokasyon nito ay magbabago pa. Para sa mga mananampalataya, matapos ang kamatayan, sila ay dadalhin sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Sa isang banda naman, para sa mga hindi nananampalataya, sila ay itatapon sa lawang apoy (Pahayag 20: 11-15). Ang dalawang lugar na ito ang pinakahuling walang hanggang destinasyon ng tao - ang lahat ay nakabase sa kung ang isang tao ay lubos na nagtiwala kay Hesu Kristo lamang para sa kanyang kaligtasan o nagtiwala siya sa kanyang sariling mabubuting gawa o relihiyon hindi lamang sa ginawa ni Kristo.
Sabi ng (Efeso 2:8-9),8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.... Nawa naunawaan po natin ang Salita ng Diyos.. PURIHIN ANG KANYANG DAKILANG PANGALAN!

English Ver.


"WHERE DOES A PERSON GO AFTER DEATH?"
(HEBREWS 9:27)
"Man is destined to die once and then to be judged".
Why does our verse say that after death is the judgment? Because our destination is not the same after we are judged by Christ, man has two destinations according to the Bible and that is heaven or hell .... There is a temporary and permanent place for believers and a temporary and permanent place. also for those who do not believe but do not change God's judgment on them. The Bible does not write when death will come to a person but the Bible tells us that after a person dies, he or she will be taken to either of only two destinations: Heaven or Hell. He is in Heaven if he repents of his sins and trusts Christ for his forgiveness from sin. For believers, after death “I will leave this body in which I live to dwell with the Lord” (2 Corinthians 5: 6-8; Philippians 1:23). For unbelievers, after death there is eternal punishment in hell (Luke 16: 22-23). Here there is confusion, as to what exactly happens after death.
Revelation 20: 11-15 describes all those in hell as being cast into the lake of fire. Revelation chapters 21-22 describe the new heavens and the new earth. Therefore, while the final resurrection has not yet occurred, after death, a person will first remain in the “temporary” Heaven and Hell. A person’s eternal destination will never change, but its location will still change. For believers, after death, they will be taken to a new heaven and a new earth (Revelation 21: 1). On the other hand, for unbelievers, they will be cast into the lake of fire (Revelation 20: 11-15). These two places are man's ultimate eternal destination - all based on whether a person fully trusts Jesus Christ alone for his salvation or he trusts in his own good works or religion not only in what Christ did. .
Says (Ephesians 2: 8-9), 8 For by grace are ye saved through faith; and it is the gift of God, and not of yourselves; 9 it is not the result of your works so no one can be proud .... May we understand the Word of God .. PRAISE HIS GREAT NAME!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top