What's new

Daily Bread (June 21 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
Alalahanin mo rin naman ang maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw at ang mga taon ay lumapit, paka iyong sasabihin, wala akong kaluguran sa mga yaon
Ecclesiastes 12:1
"Minsan, naiisip natin, nanghihinayang tayo sa panahon ng ating kabataan. Nagugol natin ang maraming oras ng ating buhay sa walang kwentang pamumuhay. Kakaunti o hindi natin nabigyan ng panahon ang Diyos na may likha sa atin. Halos naubos ang ating lakas sa hanap buhay sa barkada sa pagpapayaman, sa bisyo at marami pang iba.. Ngayong nagkakaedad na tayo, at marami ng nararamdaman sa katawan saka lang natin naalala ang Diyos, kung kailan hindi na natin magagawa ang sana ay mas magagawa nating paglilingkod noong mga bata pa tayo.. Pero hindi pa naman huli ang lahat, lalo na sa mga kabataang ngayon ay nakababasa ng mensaheng ito... mga kabataan habang bata pa kayo paglingkuran nyo na ang Diyos.. dahil kahit makamit nyo man ang lahat kung malayo naman kayo sa Diyos wala din, magiging hungkag din ang inyong buhay.. ang tunay na kaligayahan ng buhay ay matatagpuan lamang natin sa Diyos... PURIHIN NATIN ANG KANYANG DAKILANG PANGALAN!

English Ver.


Remember also thy Creator in the days of thy youth, before the evil days come, and the years draw nigh, that thou mayest say, I have no pleasure in them.

Ecclesiastes 12: 1

"Sometimes, we think, we regret the time of our youth. We have spent many hours of our lives in worthless living. We have given little or no time to the God who created us. We have almost exhausted our energy to earn a living. in the gang of enrichment, in vice and many others .. Now that we are older, and many of the feelings in the body only then do we remember God, when we can no longer do what we hope we can do more service when we were children. But it is not too late for everything, especially for the young people today who can read this message ... young people while you are young, serve God .. because even if you can achieve everything if you are far from God there is nothing also, your life will also be empty .. the true happiness of life we can only find in God ... LET US PRAISE HIS GREAT NAME!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top