What's new

Daily Bread (June 21 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG MATA NG PANGINOON AY Nasa MGA MATUWID"
(1PEDRO 3:12)
, "Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama"
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Tandaan po natin mga kapatid na ang mata ng Panginoon ay nasa matuwid, ibig sabihin binabantayan po tayo ng Dios kung tayo po ay namumuhay sa Kanyang kabanalan at katwiran. Ang pabor ng Dios ay nasa sa iyo ikaw na lumalakad ng matuwid ayon sa kanyang layunin. Hindi kailanman nais ng Dios na ang Kanyang mga tapat na anak ay mapahamak, nakatuon ang mata ng Dios sa taong matuwid upang siya ay bantayan at ingatan. Pangalawa sinasabi din ng ating talata na, ang "daing ng mga matuwid ay Kanyang dinirinig" . Kahit na tayo ay nagsisikap na lumakad sa katwiran ng Dios hindi maiiwasan na may problema at mga pagsubok tayong daranasin, bahagi po iyan sa ating paglalakbay bilang isang alagad ni Kristo. Dadaan tayo sa mabato at madilim na landas ng buhay, ituon natin ang ating mga mata kay Kristo upang matunton natin ang liwanag sa landasin na ating tinatahak. May pangako ang Dios sa mga tapat, dinirinig Niya ang ating mga daing, may pagsubok man at kahirapan subalit may Dios tayo na matatawagan at dumirinig sa lahat ng ating mga daing, huwag tayong magatubiling lumapit sa banal Niyang luklukan upang humingi ng tulong dahil hindi Niya kailanman bibiguin ang kanyang mga anak na tumatawag sa Kanya.
At sa huli ang Dios ay laban sa mga nagsisi gawa ng masama, kahit na sila ay namamayagpag at sa wari natin ay mga nagtatagumpay, hindi kailanman malilingid sa Dios ang mga ginagawa nilang kasalanan. May luklukan ng Dakilang Hukom na hahatol sa kanila pagdating ng takdang panahon.. May parusa ng nakalaan sa lahat ng hindi lumalakad ayon sa katwiran ng Dios. Subalit may gantimpala ang mga matuwid na namumuhay sa pananampalataya kay Kristo... Tuloy tuloy lang tayo mga kapatid hanggang marating natin ang hangganan ng ating paglalakbay bilang mga Anak ng Dios. Sa dulo, naroon ang gantimpala na hindi masayod sa piling ng ating Dakilang manunubos.
Sumaating lahat ang biyaya at kalinga ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top