What's new

Daily Bread (June 20 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
" " ANG TAPAT SA AKIN"
(AWIT 91:14)
AKING ILILIGTAS ang tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong AKO'Y kikilanlin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sa ating pagbabasa ng talata dapat ay inuunawa po nating mabuti kung ano yung content o nilalaman ng talata... Maraming tao na nagaangkin na para sa kanila ang talatang ito.. Subalit sinasabi po ng talata na ang pagliligtas ng Dios ay para doon sa mga tapat. Kung hindi po tayo tapat sa ating Dios hindi po para sa atin ang talatang ito. Ito po ay para doon sa mga tapat sa Dios. Ang sabi, "Aking ililigtas ang tapat sa Akin" . Kaya naman maging matapat po tayo sa ating Dios. Sa lahat ng ating iniisip ginagawa at paplanuhin ay laging maging matapat tayo.. Kung ano ang ginagawa natin sa ating kapwa ay nakararating sa Dios, ang pagiging matapat sa ating kapwa ay pagiging matapat din sa Dios. Pagdating sa pagsamba at pagbibigay ng ating mga ikapu at kaloob dapat ay maging matapat din po tayo mga kapatid ating isaisip na wala po tayong anuman sa daigdig na ito na hindi po nanggaling sa Dios. Pangalawa, kilalalanin natin ang Dios bilang nagiisang Dios. Walang ibang Dios maliban sa Kanya.. (Isaias 45:22)
“Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo. Sapagkat ako ang Dios at maliban sa akin ay wala nang iba pa." Ang ating pagsamba sa ibat ibang dios ay pagpapakita natin na hindi natin kinikilala ang Dios bilang nagiisang Dios. Sabi ng ating talata.. "iingatan ko ang sinumang taong AKO'Y KIKILANLIN. Alam ng Dios ang laman ng ating puso batid Niya kung nagiisa siyang Panginoon sa ating puso. Nais mo bang matamasa at maranasan ang pagliligtas at pagiingat ng Dios? Maging matapat po tayo sa Kanya at kilalanin nating tanging Siya lamang ang nagiisang Dios at wala ng iba.
Ang pagliligtas at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Ver.

"" THE FAITHFUL TO ME "
(PSALM 91:14)
I WILL SAVE those who are faithful to me, and I will preserve anyone I recognize.
Blessed day to all our brothers and sisters, let us once again meditate on the Words of God.
As we read the verse we should have a good understanding of what the content of the verse is ... Many people claim that this verse is for them .. But the verse says that God's salvation is for those who honest. If we are not faithful to our God, this verse is not for us. This is for those who are faithful to God. Said, "I will save the faithful to Me". So let us be faithful to our God. In everything we think we do and plan, let us always be honest. What we do to our neighbor reaches God, to be honest to our neighbor is also to be honest to God. When it comes to worshiping and giving our tithes and offerings, we must also be faithful, brothers and sisters, keeping in mind that we have nothing in this world that does not come from God. Second, we recognize God as the only God. There is no God but Him .. (Isaiah 45:22)
“Come to me and be saved, all of you in the world. Because I am God and there is no one else besides me. "Our worship of various gods is to show that we do not acknowledge God as the only God. Our verse says .." I will take care of anyone who I AM KIKILANLIN. God knows the flesh of our hearts. He knows if He is the only Lord in our hearts. Do you want to enjoy and experience God's salvation and protection? Let us be faithful to Him and acknowledge that He is the only God and no one else.
God's salvation and protection are with us all in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top