What's new

Daily Bread (June 20 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"SA NGALAN NG MGA AMA"
(EFESO 5:22-23)
"Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagka't ang lalaki ay pangulo ng kanyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan". .
Ang salitang "katulong" na ginamit sa paglalarawan kay Eva sa Genesis 2:20 ay nangangahulugan - paligiran, ipagtanggol, tulungan o saklolohan." Si Eva ay nilikha upang maka-agapay ni Adam bilang kanyang "kahati," maging kanyang kabiyak at katuwang. Kapag ang isang babae at lalake ay nagpakasal, sila ay nagiging "isang laman." . Ang pinagsama ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao." (Mateo 19:6)
May mga ilang sulat si Apostol Pablo na tumutukoy sa pag-aasawa at paano pamamahalaan ng mga mananampalataya ang kaugnayang mag-asawa. Ang mga talata ay 1 Corinto kapitulo 7 at ang isa ay Efeso 5:22-33. Kapag sabay itong pinag-aralan, ang mga talatang ito ay naglalaan ng mga tuntunin mula sa Biblia na magbubuo ng balangkas sa isang kaugnayang mag-asawa na nakalulugod sa Dios.
Ang mga talata sa Efeso ay bukod-tanging malalim sa pagtukoy ng isang matagumpay na pagsasama ayon sa Biblia. "Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagka't ang lalaki ay pangulo ng kanyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan" (Efeso 5: 22-23). "Mga lalake, ibigin nyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kanyang sarili dahil sa kaniya" (Efeso 5: 25) "Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang mga sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili. Sapagka't walang sinoman na napoot kalianman sa kaniyang sariling katawan, kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia" (Efeso 5: 28-29). "Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kanyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman" (Efeso 5:31).
Kapag ang mag-asawang mananampalatayang lalake at babae ay itatatag ang mga tuntunin ng Dios, ang kalalabasan nito ay isang pag-aasawang ayon sa Biblia. Ang isang pag-aasawang nakabatay sa Biblia ay tumpak na kung saan si Cristo ang pinuno ng lalake at babae. Ang pananaw sa pag-aasawa ng Biblia ay ang pagkakaisa sa pagitan ng dalawang tao na naglalarawan ng kaisahan ni Cristo at ng kanyang iglesia.
Hindi ang lalaki ang hinugot sa tadyang ng babae kundi ang babae ang hinugot sa tadyang ng lalaki.. kaya mga babae pasakop kayo sa inyo inyong asawang lalaki, at mga lalaki pasakop kayo kay Cristo sapagkat Siya ang ulo ng katawan o iglesia.. kapwa ang lalaki at babae ay nasasakop ng Panginoon.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top