What's new

Daily Bread (June 18 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
TAYO'Y KANYANG PINALALAKAS"
(Mga Taga-Colosas 1:11)
"Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;"
Sa hirap ng buhay ngayon, hindi na alam ng ating maliliit na kababayan kung paano pagkakasyahin ang kanilang maliit na kinikita, pahirap na ng pahirap ang buhay at kahit tayong mga mananampalataya ay ramdam ang palala ng palalang krisis na ito. Sobrang taas na ng gasolina at lahat ng bilihin ay tumataas din.. ang pandak na lang ang hindi tumataas. Kanino tayo aasa at kanino tayo tatakbo? Marami ang nanlulumo ngayon at pinanghihinaan ng loob. Paano pa pagaaralin ang kanilang mga anak? Baka bigla akong matanggal sa trabaho? Saan kami kukuha ng pang ospital kung magkasakit ang isa sa amin? Kaya ngayon ang daming depress at stress, talaga nga namang mahirap ang buhay ngayon...
Subalit tignan po natin ang ating talata, may Diyos na magpapalakas sa atin, ang sabi po ay "Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng Kanyang kaluwalhatian", yan ang ating panghawakan mga kapatid lagi nating isipin na may nagpapalakas sa atin at ito ay ang ating Diyos.. Ang kailangan ay lakipan natin ito ng pagtitiis, iba kasi ang nagtitiis sa pagaalala at pangangamba.. habang mahirap ang buhay magtiis tayo, huwag mag-alala, hindi po nakakatulong ang pag-aalala.. ang sabi ng ating talata" sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak" ibig sabihin anoman ang sitwasyon harapin natin ito ng may galak. Mas malaki at makapangyarihan ang ating Diyos sa anomang sitwasyon na ating pinagdaraanan, kaya bangon kapatid, magpakatatag ka, at harapin ng may pagtitiis at kagalakan ang buhay.. kasama mo ang Diyos!
Glory to God!

English Ver.

HE STRENGTHENS US "
(Colossians 1:11)
"Strengthened with all power, according to the might of his glory, in all patience and longsuffering with joy;"
In today's hard life, our small countrymen no longer know how to make ends meet, life is getting harder and harder and even we believers feel the aggravation of this worsening crisis. The fuel price is too high and all the prices are also going up .. it's just that the shorts aren't going up. To whom will we depend and to whom will we run? Many today are depressed and discouraged. How else will their children be educated? Might I suddenly lose my job? Where do we get hospitalization if one of us gets sick? So now with a lot of depression and stress, life is really hard now ...
But let's look at our verse, there is a God who will strengthen us, it says "Be strong with all power, according to the strength of His glory", that's what we hold on brothers and sisters we always think that there is someone who strengthens ours and this is our God .. What is needed is for us to include patience in it, because others suffer from worry and anxiety .. while life is hard let us endure, don't worry, worry does not help .. the our verse says “with all patience and longsuffering with joy” meaning whatever the situation let us face it with joy. Our God is bigger and more powerful in any situation we are going through, so get up brother, be strong, and face life with patience and joy .. God is with you!
Glory to God!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top