What's new

Daily Bread (June 16 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG SALITA NG DIYOS AY MANANATILI"
(MATEO 24:1-2)
24 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho!”
Lilipas ang lahat ng bagay dito sa lupa. Pansamantala ang lahat ng bagay dito sa lupa. Hindi mananatili ang mga ito magpakailanman. Ang mga gusali ay guguho at babagsak din sa lupa pagdating ng takdang araw. Hindi rin tayo mananatili dito sa mundo magpakailanman. Hindi tayo mabubuhay magpakailanman dito sa sanlibutan. Pansamantala lamang ang ating buhay sa lupa. Ang buhay natin at ang lahat ng makikita natin dito sa daigdig ay lilipas at magmamaliw. Walang permanente dito sa mundo. Pansamantala lamang ang lahat ng bagay dito sa mundo. Kaya nga, ang tawag sa lupa ay 'pansamantalang tahanan.'
Ang mga posisyon sa buhay ay pansamantala. Hindi tayo mananatili sa pwesto natin sa buhay magpakailanman. Magkakaroon tayo ng pagbabago sa ating mga posisyon sa buhay. Halimbawa, sa opisina. Maaaring itaas ang posisyon ng isang tao sa kanyang pwesto. Subalit, pansamantala lamang siya sa pwestong iyon. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa mga posisyon sa opisina. Maaari siyang ilipat sa ibang posisyon mula sa posisyong kanyang hinahawakan sa kasalukuyan. Hindi natin alam kung kailan, subalit, alam natin na maaaring mangyari iyon.
Iisa lamang ang mananatili magpakaylanman ito ay walang iba kundi ang Diyos at ang kanyang mga Salita.
(Isaias 40:8) Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
Kaya panghawakan natin ang Salita ng Diyos at Kanyang mga pangako.
PURIHIN NATIN ANG DIYOS!

English Ver.

"THE WORD OF GOD WILL REMAIN"
(MATTHEW 24: 1-2)
24 Jesus went out of the temple. He was leaving when the disciples came and showed him the buildings of the Temple. 2 He said to them, “Do you see those buildings? Remember! The day will come when there will be no stone left on another stone. Everything will fall apart! ”
Everything on earth will pass away. Everything here on earth is temporary. They will not last forever. The buildings will crumble and also fall to the ground when the appointed day comes. Nor will we remain here on earth forever. We cannot live forever in this world. Our life on earth is only temporary. Our life and everything we see here on earth will pass away and fade away. There is nothing permanent here in the world. Everything in this world is only temporary. Hence, the earth is called a 'temporary home.'
Life positions are temporary. We will not stay in our place in life forever. We will have a change in our positions in life. For example, in the office. A person's position may be elevated to his or her position. However, he was only temporarily in that position. There may be a change in office positions. He can be moved to a different position from the position he currently holds. We don’t know when, however, we know that could happen.
Only one will remain forever it is none other than God and his Words.
(Isaiah 40: 8) The grass withers, the flower fades; but the word of our God shall stand for ever.
So let us hold fast to the Word of God and His promises.
LET'S PRAISE GOD!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top