What's new

Daily Bread (June 16 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG WALANG KASALANAN ANG MAUNANG BUMATO"
(MATEO 8:4 -7)
4"at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.
7 Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”
Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios, mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid.
Nagdala ang mga Hudio sa harapan ni Hesus ng isang babaing nahuli sa aktong pangangalunya, ang motibo ay para makakuha sila ng dahilan para magkamali sa pagpapasya ang Panginoong Hesus.. Batuhin hanggang sa mamatay ang parusa sa sinumang mahuli sa kasalanang pangangalunya ayon sa batas ng mga Judio. Ano wika ang masasabi ninyo,? Subalit yumuko lamang ang Panginoon habang may isinusulat sa lupa gamit ang daliri. Kinukulit nila ang Panginoon at gustong malaman kung ano ang pasya. Nakakamangha ang sagot ng Panginoon sa kanila, "Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang maunang bumato. Isaisang nawala ang umuusig sa babae mula bata hanggang matanda, walang nangahas bumato dahil lahat ay makasalanan... Maging sa ating panahon nangyayari ito, na ibig nating ilagay sa ating mga kamay ang pagpaparusa sa mga taong sa tingin natin ay nasa makasalanang pamumuhay. Subalit pansinin natin ang ginawa ng Panginoon kung babasahin ninyo ang buong pangyayari sa chapter 8, tinanong ng Panginoon ang babae, " Nasaan sila mayroon pa bang HUMAHATOL sa iyo.? 11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.” Ang Panginoon hindi HUMAHATOL, ang tao HUMAHATOL, ang Panginoong Hesus hindi nagkasala, tayo ay makasalanan... Si Hesus ay nagbuhat sa langit bumaba sa lupa upang iligtas ang makasalanan at hindi para hatulan. Tayong tao ay nagmula lang sa putik at parepareho ng pinagmulan subalit mabilis humatol... Kung ang Dios ay katulad nating tao, walang kahit isa na maliligtas, dahil tiyak na mahahatulan tayong lahat.. Mabuti na lamang ang Panginoong Hesus ay mapagpatawad lahat ay binibigyang ng pagkakataong magbago at magsisi... Kaya nga huwag nating sayangin ang pagkakataong ito na panahon pa ng pagpapatawad ng Dios, dahil sa muling pagbabalik ni Kristo doon Niya hahatulan ang mga
taong hindi nagsisi at naging pala hatol sa kapwa at hindi tumanggap sa inaalok na kaligtasan ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na Si Hesus. Mga kapatid maging maibigin tayo sa ating kapwa tulungan nating magbago ang mga naliligaw patungo kay Kristo sa halip na ating hatulan, at lagi nating isa puso ang sinabi ng Panginoong Hesus" Ang walang kasalanan ang maunang bumato".
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top