What's new

Daily Bread (June 15 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG WALANG KASALANAN ANG MAUNANG BUMATO"
(MATEO 8:4 -7)
4"at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.
7 Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya. "
Nagdala ang mga Hudio sa harapan ni Hesus ng isang babaing nahuli sa aktong pangangalunya, ang motibo ay para makakuha sila ng dahilan para magkamali sa pagpapasya ang Panginoong Hesus.. Batuhin hanggang sa mamatay ang parusa sa sinumang mahuli sa kasalanang pangangalunya ayon sa batas ng mga Judio. Ano wika ang masasabi ninyo,? Subalit yumuko lamang ang Panginoon habang may isinusulat sa lupa gamit ang daliri. Kinukulit nila ang Panginoon at gustong malaman kung ano ang pasya. Nakakamangha ang sagot ng Panginoon sa kanila, "Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang maunang bumato. Isaisang nawala ang umuusig sa babae mula bata hanggang matanda, walang nangahas bumato dahil lahat ay makasalanan... Maging sa ating panahon nangyayari ito, na ibig nating ilagay sa ating mga kamay ang pagpaparusa sa mga taong sa tingin natin ay nasa makasalanang pamumuhay. Subalit pansinin natin ang ginawa ng Panginoon kung babasahin ninyo ang buong pangyayari sa chapter 8, tinanong ng Panginoon ang babae, " Nasaan sila mayroon pa bang HUMAHATOL sa iyo.? 11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.” Ang Panginoon hindi HUMAHATOL, ang tao HUMAHATOL, ang Panginoong Hesus hindi nagkasala, tayo ay makasalanan... Si Hesus ay nagbuhat sa langit bumaba sa lupa upang iligtas ang makasalanan at hindi para hatulan. Tayong tao ay nagmula lang sa putik at parepareho ng pinagmulan subalit mabilis humatol... Kung ang Dios ay katulad nating tao, walang kahit isa na maliligtas, dahil tiyak na mahahatulan tayong lahat.. Mabuti na lamang ang Panginoong Hesus ay mapagpatawad lahat ay binibigyang ng pagkakataong magbago at magsisi... Kaya nga huwag nating sayangin ang pagkakataong ito na panahon pa ng pagpapatawad ng Dios, dahil sa muling pagbabalik ni Kristo doon Niya hahatulan ang mga taong hindi nagsisi at naging pala hatol sa kapwa at hindi tumanggap sa inaalok na kaligtasan ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na Si Hesus. Mga kapatid maging maibigin tayo sa ating kapwa tulungan nating magbago ang mga naliligaw patungo kay Kristo sa halip na ating hatulan, at lagi nating isa puso ang sinabi ng Panginoong Hesus" Ang walang kasalanan ang siyang unang bumato. "

English Ver.

"THE INNOCENT WILL BE THE FIRST TO STONE"
(MATTHEW 8: 4-7)
4 "and said to Jesus," Teacher, this woman was caught in the act of adultery. 5 According to the law of Moses, such as are to be stoned to death. What do you say? " 6 They asked this, to test him, so that they might have something against him, but Jesus stooped down and wrote on the ground with his finger.
7 As they continued asking questions, Jesus stood up and said, “Whoever is without sin among you, let him be the first to throw a stone at her. "
The Jews brought before Jesus a woman caught in the act of adultery, the motive being so that they could get an excuse for the Lord Jesus to make a mistake in deciding. Jew. What language can you speak ,? But the Lord only bowed while something was written on the ground with a finger. They despise the Lord and want to know what the decision is. The Lord's answer to them was astonishing, "Whoever is without sin among you must be the first to throw a stone. put in our hands the punishment of those who we think are living a sinful life.But let's notice what the Lord did when you read the whole incident in chapter 8, the Lord asked the woman, "Where are they? Is there anyone else who JUDGES you? .? 11 "No, Lord," the woman answered. Jesus said, "Neither do I condemn you. Go home, and from now on do not sin. ” The Lord does not JUDGE, man JUDGES, the Lord Jesus does not sin, we are sinners ... Jesus came from heaven to earth to save the sinner and not to judge. We humans just came from the mud and had the same origin but were quick to judge ... If God were like us humans, no one would be saved, because we will all be judged. Fortunately, the Lord Jesus is forgiving and gives all of the opportunity to change and repent ... So let us not waste this opportunity which is still the time of God's forgiveness, because at Christ's return there He will judge those who have not repented and turned out to be judgment on others and have not accepted the offer. salvation of God through His Only Begotten Son Jesus. Brethren, let us love one another, let us help those who are lost to Christ instead of judging us, and let us always have one heart when the Lord Jesus said, "The innocent is the first to be stoned."

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top