What's new

Daily Bread (June 13 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" PASAKOP KAYO SA ISAT ISA AT MAGPAKUMBABA"
(Efeso 5:21)
"Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo."
Direktang lumalaban sa nasa ng ating laman ang pagpapasakop dahil nais ng laman na sundin ang sariling kalooban at gawin ang nais niyang gawin. Ipinaglalaban natin ang ating karapatan, isinusulong ang ating sariling layunin, at ipinipilit ang ating sariling naisin hangga't maaari. Ngunit ang nais ng Diyos ay ipako natin sa krus ang ating sariling laman (Galacia 5:24; Roma 6:11) at tumugon tayo sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iba sa abot ng ating makakaya. Si Jesus ang ating hurawan sa pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Sinasabi sa 1 Pedro 2:23, "Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol."
Mababawasan ang mga problema sa pamilya kung susundin natin ang mga alituntunin sa Filipos 2:3–4: "Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili." Kung sasanayin natin ang pagpapakumbaba at tatratuhin ang iba gaya ng pagtrato sa atin ni Kristo, malulutas ang maraming problema sa ating pamilya.
PURIHIN ANG DIYOS!

English Ver.


"SUBMIT ONE ANOTHER AND HUMILITY"
(Ephesians 5:21)
"Be in subjection to one another as a sign of your reverence for Christ."
Submission directly opposes the desires of our flesh because the flesh wants to follow its own will and do what it wants to do. We fight for our rights, advance our own purpose, and assert our own will as much as possible. But God wants us to crucify our own flesh (Galatians 5:24; Romans 6:11) and respond to the needs and wants of others to the best of our ability. Jesus is our example of submission to God's will. 1 Peter 2:23 says, "When he was reviled, he did not revile in return. When he was afflicted, he did not threaten; instead, he left everything to God who is just to judge."
Family problems can be reduced if we follow the principles in Philippians 2: 3–4: "Do nothing for selfish reasons or pride; but, as a mark of humility, consider others better than yourselves. "Be concerned for the welfare of others, and not just your own." If we practice humility and treat others as Christ treats us, many problems in our family will be solved.
PRAISE THE LORD!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top