What's new

Daily Bread (June 13 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HINTAYING MAY PANANABIK"
(FILIPOS 3:20)
Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Doon magmumula ang Tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik, ang Panginoong Jesu-Cristo.
Mapagpalang araw po mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios
Sinasabi sa Bibliya na malapit na ang muling pagparito ni Kristo at dapat tayong maghintay sa Kanya ng may buong pananabik (Roma 8:19–25; 1 Corinto 1:7; Filipos 3:20; Judas 21). Hinimok tayo ni Santiago na “Magtiyaga tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon” (Santiago 5:8). Sinasabi din sa Pahayag 1:3 at 22:10 na “malapit ng maganap ang mga ito.”
Itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad na magbantay para sa Kanyang pagbabalik. “Kayo man ay dapat na humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan” (Lukas 12:40). Ang utos na “humanda” ay nagpapahiwatig sa nalalapit Niyang pagdating. Sa buong Bagong Tipan, sinasabihan ang iglesya na maging handa (Mateo 24:42, 44; 1 Tesalonica 5:6). Kung dapat na asahan ng unang iglesya ang muling pagparito ng Panginoon anumang oras, gaano pa kaya tayo dapat na maghanda sa kanyang muling pagparito sa panahong ito? Malapit na pong magbalik ang ating Panginoong Hesus, nawa ay datnan Niya tayong matiyagang naghihintay at nanabik na Siya ay makita natin ng mukhaan
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

by Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top