What's new

Daily Bread (June 12 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG IKAHIYA ANG MABUTING BALITA"
(Mateo 28:18-20)
18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang isa sa pinakamahalagang tagubilin ng ating Panginoong Hesus sa lahat ng kanyang mga alagad..at bilang mga mananampalataya tayong lahat na tumanggap ng kaligtasan ay kabilang doon.sapagkat kung ang nabahaginan ay hindi magbabahagi,hindi siya magkakaroon ng bunga.
Ang tagubiling ito ay hindi lamang para sa mga pastor,hindi lamang sa mga manggagawa kundi ito ay utos para sa ating lahat.kung ikaw ang naunang mananampalataya sa inyong tahanan,ikaw ang magbabahagi nito sa iyong pamilya...Hindi sapat na ipinapanalangin lamang natin silang maligtas,kailangan nating humakbang sa pagbabahagi at magpakita po sa kanila ng ating magandang patotoo.
May kwento tungkol sa isang Kristianong babae na laging nananalangin para sa kaligtasang espiritual ng kanyang asawa. Lagi siyang umiiyak sa paglapit sa altar upang makakilala sa Panginoon ang asawa niya. Sa loob ng ilang buwan ng pananalangin, hindi niya nakita ang sagot, kaya nagtanong siya sa Diyos. "Panginoon, bakit hanggang ngayon hindi pa rin ma-SAVE ang asawa ko? Bakit naglalasing parin? Bakit hindi mo ako pakinggan Lord?"
Tumugon si Lord, "Anak, matagal na akong sumagot sa panalangin mo. Ang hinihintay ko naman ay ikaw, kung kailan mo ibabahagi ang ebanghelyo sa asawa mo!!?? Kailan mo ba siya isasama sa church???"
Iyan ang problema, marami sa atin ,gustong maligtas ang pamilya subalit hindi naman nagbabahagi.tama pong ipanalangin natin silang maligtas,subalit ikaw ang pinakamalapit na inilagay ng Dios sa kanila upang magbahagi sa kanila ng mabuting balita...isa sa tagubilin ni apostol Pablo kay Timoteo ay huwag ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa kaligtasan.
(2 Timoteo 1:8 )
Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang sabi ng talata huwag nating ikahiya ang passhare ng ating testimony.., sa bandang huli ay binanggit din na umasa ka sa kapangyarihan ng Dios. Sasamahan po tayo ng Dios ibukas lang natin ang ating puso at bibig sa pagbabahagi ng Ebanghelyo at sasamahan tayo ng Dios...ano po ang sabi ng Panginoon sa ( Mateo 10:33). ..?
Ngunit sinumang sa akin ay magkaila sa harapan ng mga tao ay siya ring ipagkakaila ko sa harapan ng aking Amang nasa langit.
Huwag nating ipagdamot sa iba ang kaligtasan, ibahagi natin ang ating tinanggap upang sa huling panahon ay makaharap tayo sa Panginoong Hesus na walang pangamba dahil nasunod natin ang kanyang Dakilang tagubilin...tandaan natin mga kapatid, kung tatanggihan ng ating binabahaginan ang Mabuting Balita,hindi tayo ang kanilang tinanggihan kundi ang Panginoong Hesus.Kaya huwag po tayong mahiya at matakot, ibahagi natin si Kristo sa iba.
Sumaating lahat ang pagpapala ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus,Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top