What's new

Daily Bread (June 11 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"SA DIOS NAGMULA ANG BUHAY"
(GENESIS 2:7)
"At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang pagsasabing lumabas ang tao ng walang Diyos ay tulad sa pagsasabi na maaaring magkaroon ng relo ng walang gumawa ng relo o maaaring magkaroon ng kwento ng walang manunulat. Utang natin ang ating pagkatao sa Diyos na Siyang lumikha sa atin ayon sa Kanyang wangis (Genesis 1:27). Ang ating pag-iral sa mundo ay nakadepende sa Diyos, tanggapin man natin o hindi na mayroong Diyos.
Bilang Tagapagligtas, ang Diyos ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa mga mananampalataya. "Nasa Kanya ang buhay; at ang buhay ay Siyang ilaw ng mga tao" (Juan 1:4). "Dumating si Hesus upang magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito" (Juan 10:10). "Na ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan kasama Siya" (Juan 3:15-16). Na upang mabuhay ang tao - at totoong mabuhay - kinakailangan nyang kilalanin si Kristo (Juan 17:3).
Ang taong walang Diyos ay mayroon lamang pisikal na buhay. Nagbabala ang Diyos kay Adan at Eba na sa araw na sila’y sumuway ay walang pagsalang sila'y mamamatay (Genesis 2:17). Nalalaman natin na hindi sila sumunod ngunit hindi sila pisikal na namatay, sa halip namatay ang kanilang espiritu. Mayroon sa kanilang loob na namatay - ang kanilang ispiritwal na buhay, ang kanilang pakikipag-isa sa Diyos, ang kalayaan na magalak sa Diyos, ang kalinisan at pagkadalisay ng kanilang kaluluwa - ang lahat ng mga ito ay nawala.
Si Adan na nilikha upang mabuhay at makasama ang Diyos ay sinumpa dahil sa tuluyang pagkahulog sa tukso ng laman. Ang nilayon ng Diyos na mula sa alabok patungo sa kaluwalhatian ngayon ay naging alabok patungo sa alabok. Tulad ni Adan, ang taong walang Diyos ngayon ay nabubuhay lamang sa makamundong mga bagay. Ang mga taong yaon ay parang masaya; sabagay mayroong kagalakan at kasiyahan sa buhay na ito. ngunit maging ang mga kagalakan at kasiyahan na ito ay hindi lubos kung hindi dahil sa Diyos.
Ang taong walang Diyos ay walang kakuntentuhan sa kanyang buhay sa mundo. Ang tao ay walang kapayapaan sa kapwa tao dahil wala rin syang sariling kapayapaan. Ang tao ay walang kapanatagan dahil wala syang kapanatagan sa Diyos.
Sa madaling salita, mas marami pang mahalaga sa buhay kumpara sa mga pisikal na bagay. Binigyang diin ito ni Hesus ng Kanyang sinabi "Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos" (Mateo 4:4). Hindi tinapay (pisikal) kundi Salita ng Diyos (espiritwal) ang bumubuhay sa tao. Walang silbi ang pagsisiyasat sa sarili lamang para pawiin ang lahat ng ating kapighatian. Matatagpuan lamang ng tao ang halaga at kakuntentuhan sa buhay kung kikilalanin niya ang Diyos.
.Mga kapatid, sumaating lahat ang pagiingat at pagpapala ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

By Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top