What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Daily Bread (June 10 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
961
Reaction
1,726
PAGKATAPOS NINYONG MAGTIIS (1PEDRO 5:10)
10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ang pagtitiis ng isang Cristiano ayon kay apostol Pedro ay maikli lamang. Isa si Pedro na dumanas ng napakaraming persecution at pagtitiis bilang Kristiyano at alagad ni Kristo. Itinuturing niyang maikli lamang ito kumpara sa walang hanggang kaluwalhatiang sasa-atin. Subalit kapag tayo'y dumaraan sa mga mabibigat na pagsubok, parang ang pakiramdam natin ay napakatagal, matindi at gusto na nating matapos ito.. Nasasambit nga natin.. "LORD KAILAN PO MATATAPOS ITO".? Napakalaking encouragement para sa atin ang talatang ito.. Ang sabi sa"10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag"... Ang Dios na pinagmumulan ng lahat pagpapala ang magbibigay sa atin ng kaaliwan, sa pamamagitan ng kagalingan, sino sa inyo ang dumaraan sa karamdaman? Ng katatagan, dumaraan ba kayo sa panglulupaypay? Lakas ng loob, natatakot ka ba? At isang pundasyong hindi matitinag..May matatag tayong pundasyong isang batong hindi magigiba ang ating Panginoong Hesus... Sa ating pagtitiis makakamit po nating lahat ang mga pangakong ito ng Dios, huwag lang tayong susuko at bibitaw sa ating pananampalataya. Sabi ng ating talata.. "Siya ang tumawag sa atin upang makibahagi tayo sa Kanyang walang hanggang kalualhatian, kasama ni Cristo."Tinawag tayo ng Dios upang sa ating pagtitiis tulad ng pinagdaan ng ating mga naunang mga kapatid na Kristiyano ay makamit natin ang walang hanggang kalualhatian kapiling ng ating Panginoong Hesu Cristo.. Kapatid kung may pinagdaraanan ka man, magpakatatag ka.,magpakatatag tayo, maikli lang yan na pagtitiis kumpara sa ibibigay sa ating kagalakan at walang hanggang kalualhatian sa piling ng Dios at ng Panginoong Hesus, kung malalampasan natin ang mga pagsubok na ating pinagdaraanan. Tandaan natin walang pagsubok na darating sa atin na hindi natin kakayanin dahil kasama natin ang Dios.
Sumaating lahat ang pagiingat at pagpapala ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

By Pastor Ombie Lontoc
 

Online statistics

Members online
952
Guests online
1,096
Total visitors
2,048

Forum statistics

Threads
1,113,368
Posts
18,532,502
Members
1,535,822
Comments
1,304,370
Attachments
1,466,360
Profile posts
98,454
Top