What's new

Daily Bread (July 8 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"PARANG LAGING MAY HUMAHABOL (KAWIKAAN 28:1)
Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid ang katulad ay leon.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kapag ang isang tao ay namuhay sa kasamaan at kasalanan wala pong kapayapaan ang kanyang buhay. Ang kanyang pakiramdam ay laging may sumusunod at may humahabol sa kanya tulad ng sinasabi ng ating talata.. Kung may naargrabyadong tao, may ginawang kalokohan o nagpayaman sa pamamagitan ng mga îllégâl na gawain tiyak may usig ng kunsensiya na mararamdaman... Mahirap ang mamuhay sa takot dulot ng paguusig ng budhi, ang iba ay hindi makatulog at hindi na eenjoy ang másáráp at payapang buhay. Samantalang sinasabi din ng ating talata na "Ang matuwid ay panatag" dahil wala pong inaalala na may taong na agrabyado o nadaya o kaya ay kumita ng salapi gamit ang maling pamamaraan.. Ang taong matuwid ay tulad ng Leon walang kinatatakutan, sila nga ang itinuturing na hari ng kagubatan.. Panatag dahil walang sinumang mangangahas na labanan siya. Takot ang masama sa taong matuwid dahil alam nilang Dios ang kakampi ng mga taong matuwid.. At sasamahan siya ng Dios sa lahat ng yugto ng kanyang buhay... Mga kapatid mamuhay po tayo ng marangal at walang pag aalala, ang pagiging matuwid ay magdudulot ng kapanatagan sa atin. Ang namumuhay sa kasamaan ay walang kapanatagan at kapayapaan, puro huwad na halakhak at ngiti lamang ang ating makikita sa kanya, ngunit sa kalooblooban ng budhi ay may takot at pangamba... Mamuhay po tayo ng matuwid mga kapatid upang matamo natin ang tunay na kapayapaan na mararanasan natin hindi lamang dito sa lupa kundi maging doon sa buhay na walang hanggan.
Muli ang biyaya, pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top