What's new

Daily Bread (July 3 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
Wala tayong maikukubli sa Diyos.. Mula pa sa ating pagkabata ay kilala na Niya tayo. Kung minsan akala ng tao walang nakakakita ng kaniyang ginagawa, ngunit sa Diyos ay walang bagay na lihim lahat ay lantad sa Kanya. Sabi ng( Hebreo 4:13) 13 Walang nilalang na makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit ng ating mga sarili. At pagdating ng takdang panahon lahat ng ating mga ginawa ay ating ipagsusulit sa Kanya. (Mangangaral 12:13) 13 Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.

FB_IMG_1657269889070.jpg


Pastor Ombie Lontoc
 

Attachments

Back
Top