What's new

Daily Bread (July 3 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG KALUWALHATIANG SASA ATIN
(ROMA 8:18)
18 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Maraming beses na binanggit ni Pablo na ang pagtitiis ng mga Kristiyano ay hindi masasayang sapagkat mas may mahigit na maluwalhating bagay na naghihintay sa atin pagkatapos ng pagtitiis.
Tignan po nating muli ang sinabi ni Apostol Pablo hanggang talatang 19, "18 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw. 19 Sapagkat nananabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak." Pagdating ng takdang panahon ihahayag ng Dios ang Kanyang mga Anak, yaong nagtiis sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaraanan sa paglilingkod... Ituon natin ang ating paningin kay Hesus at huwag sa mga bagay na narito sa sanlibutan na pawang maglalaho.
Ang problema ng maraming Cristiano, sa dami ng mga inaalala sa buhay na ito, nakakalimutan na na may kabilang-buhay na naghihintay. Iyon ang higit na mahalaga na dapat nating asamin. Naging posible at tiyak ito dahil sa muling pagkabuhay ni Cristo. Sinasabi nating gusto nating mapunta sa langit at makapiling ang Diyos pero ang isipan naman natin at mga pangarap natin ay nakatuon sa lupa at kuntento nang makapiling ang yaman at kasiyahan ng mundong ito. Sabi nga ng isang kanta ng David Crowder Band, “Everybody wants to go to heaven, but nobody wants to die.” Ang babaw ng kaligayahan natin! Pipiliin pa nating malugi kaysa kitain ang inilaan na ng Diyos para sa atin.
Mga kapatid walang hanggang kalualhatian ang naghihintay doon sa mga Kristiyano ng naguukol ng buhay para sa buhay na walang hanggan... Tayo ay manlalakbay lamang sa daigdig na ito may pirmihan tayong tirahan at iyon ay ang langit na bayan, kaya mas higit po nating pagukulan ng pansin at pagmamahal ang mga bagay na ukol sa buhay na walang hanggan.
Ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top