What's new

Daily Bread (July 26 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAGING MATAPAT"
(Mga Awit 51:10-12)
Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat...
Mapagpalang araw po sa ating lahat, kumusta na po ang inyong maulang isang linggo, nawa nasa mabuti po kayong kalagayang lahat.
Mga kapatid ano po ang bagay na inyong pinaka nanasa?.. Pakanasain natin ang espiritu ng pagiging matapat, maraming tao ang nasisira sa pagiging matapat.. Pagiging matapat sa asawa, sa kapwa sa lipunan at higit sa lahat sa Dios, hindi natin kayang gawin sa ating sarili lamang ang pagiging matapat, ngunit tutulungan tayo ng Dios kung buong puso nating pakananasain na maging matapat... Ito ang nais ng Dios na mangyari sa kanyang mga anak, sa kabila ng kasamaan at kasinungalingan ng mundo hinahanap ng Dios na ang Kanyang mga anak na maging matapat... Tayong mga anak ng Dios lamang ang maaaring makagawa nito, sa tulong ng biyaya Niya at habag... Sabi din ng talata natin, at "iingatan ko ang sinumang taong Ako'y kikilanlin" .. Walang pinipiling antas ng buhay ng tao ang Dios sa Kanyang pagiingat, mayaman ka man at mahirap, kilala ka man sa lipunan o hindi mararanasan mo ang pagiingat ng Dios kung Siya ay iyong kikilanlin, kung hahanapin mo ang Kanyang mukha at ang Kanyang kalooban. Sabi sa Aklat ng (Isaias 55:6-7)
Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa. Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran... Ang Dios ay naghihintay lang sa atin na tayo ay lumapit sa Kanya.. At pakanasain natin na maging matapat tayo sa Dios at sa ating kapwa, ng sa ganoon ang pagiingat at pagpapala ng Dios ay lagi nating maranasan..
Ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus.Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top