What's new

Daily Bread (July 25 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
BAKIT MAY MGA KALAMIDAD?
(MARCOS 4:39)
Bumangon si Jesus, sinaway ang hangin at inutusan ang lawa, “Pumayapa ka. Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at nagkaroon ng katahimikan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli tayong magnilay ng mga Salita ng Dios....... Ang mga kalamidad, tulad ng bagyo, pag baha, lindol, tsunami at marami pang uri ng kalamidad ay hindi kasama sa paglikha ng Dios... Mapapansin natin na sa creation ng Dios sa aklat ng Genesis ang lahat ng bagay na nilikha ng Dios ay pawang mabuti... Kailan po nagkaroon ng mga kalamidad? Nagsimula pong magkaroon nito noong ang tao si Eba at Adan ay mahulog sa Kasalanan. Ang unang ulan at pag baha ay naganap noong panahon ni Noe, sa sobrang kasamaan ng tao, pinaulan ng Dios sa buong mundo ng 40 araw at 40 gabi.. Pinaapaw ng Dios ang lahat ng bukal at pinalubog sa baha ang buong daigdig, dahil ito sa labis na kasamaan ng tao wala ng makitang matuwid ang Dios kundi si Noe na lamang. Basahin po ninyo ang (Genesis chapter 6-7)
Nauunawaan na natin kung bakit nagaganap ang mga kalamidad.ito ay bunga ng kasalanan,. Ang hindi natin mauunawaan ng ganap ay kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga ito. Bakit Niya pinahintulutan na ang tsunami na naganap sa Asya na kumitil ng 225,000 na buhay? Bakit pinahintulutan ng Diyos ang bagyong Katrina na salantain ang mga tahanan ng libu-libong tao sa Amerika? Ang tanging tiyak ay ito: ang mga kalamidad na ito ang gumigiba ng pagtitiwala ng tao sa kanyang sarili at sa mga pinagtitiwalaan niya sa mundong ito at siyang dahilan upang pagtuunan ng tao ng pansin ang mga bagay na pangwalang-hanggan. Pagkatapos ng mga kalamidad, kadalasan ang mga simbahan ay napupuno ng tao habang naaalala ng tao na ang buhay sa lupa ay napakaiksi at ang lahat ng bagay ay maaaring mawala sa loob lamang ng isang iglap. Biglang nagiging maka Dios at relehiyoso ang mga tao kapag may kalamidad, kanya kanyang tawag luhod at panalangin sa Dios. Subalit pag maaliwalas na muli ang panahon, balik na naman sa kasalanan ang mga tao... Tulad na lamang nitong salot na covid, nahinto ang maraming sugalan, beer house at mga videoke bar... Bakit kailangan pang maranasan ang kalamidad bago maalala ang Dios.? Ang natitiyak natin ay ito: Ang Diyos ay mabuti. Maraming kahanga-hangang himala ang nangyayari sa tuwing may kalamidad na siyang humahadlang sa mas maraming kamatayan. Ang mga kalamidad ang nagtutulak sa milyong tao upang pagisipan kung ano ang kanilang mga pinahahalagahan sa buhay na ito. Milyun milyong dolyar na halaga ng tulong ang ipinadadala sa mga taong dumanas ng kalamidad. Ang mga Kristiyano ay nagkakaroon ng pagkakataong makatulong, makapagministeryo, magpayo, manalangin at magbahagi ng Ebanghelyo tungkol kay Kristo! Kaya ng Diyos gumawa ng mabubuting mga bagay sa gitna ng mga nakasisindak na kalamidad (Roma 8:28). "At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa." At upang makita din ng tao na ang Panginoong Hesus ay makapangyarihan at kayang patigilin ang lahat ng kalamidad. Sabi ng ating teksto.
(MARCOS 4:39)" Bumangon si Jesus, sinaway ang hangin at inutusan ang lawa, “Pumayapa ka. Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at nagkaroon ng katahimikan." Mga kapatid hindi lamang kalamidad ng mundo ang kayang patigilin ni Hesus kundi maging ang kalamidad ng iyong buhay.. May bagyo ba ang iyong buhay? , Natitigatig ba ng lindol ng problema ang iyong isipan.? . Binabaha ka ba ng maraming suliranin at pagsubok? Kapatid kayang patigilin yan ng ating Panginoong Hesus, magtiwala ka lamang sa Kanya at ipaubaya mo sa Panginoong Hesus ang lahat ng kalamidad ng iyong buhay. Bilang anak ng Dios magtiwala tayo sa Kanya..
Pagpalain tayo ng Dios ng mapayapang buhay, ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top