What's new

Daily Bread (July 24 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG MANLAIT SA MAHIHIRAP, AT HUWAG IKAGALAK ANG KAPAHAMAKAN NG ATING KAPWA" .
(MGA KAWIKAAN 17:5)
"Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan."
Isang maulan at mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Karaniwan sa pelikula man o sa tunay na buhay madalas nating nakikitang nilalait o hinahamak ang mga mahihirap at kapus palad. Ang ganitong mga scenario ay karaniwan ng nangyayari sa ating paligid. Wala naman sigurong may gustong maging mahirap, lahat tayo hindi man yumaman ng napakayaman ay nangangarap na makaahon sa kahirapan. Subalit sa ating talata ipinakikita nito na hindi nais ng Dios na nilalait ang mahihirap, sabi ng talata ito ay paghamak sa Maykapal. Bakit po nagka ganoon? Sapagkat pareho Niyang nilikha ang mayaman at mahirap. At mismong ang Panginoong Hesus ay namuhay lamang ng mahirap sa daigdig na ito noong Siya ay nagkatawang tao. Kaya sino tayo na hahamak sa mga mahihirap na ang Dios din ang may lalang? .. Madalas nating makita at mabasa sa bible na ang Panginoon ay lumilingap sa mga dukha at kapuspalad. Kaya huwag po nating hamakin ang mga mahihirap sa halip tulungan natin silang makaahon sa kahabag habag nilang kalagayan. Pangalawa mga kapatid, sinasabi din po ng ating talata, na ang nagagalak sa kapahamakan ng iba ay mayroon ding pananagutan... Huwag po nating hangarin o isipin man lang na mapahamak ang ating kapwa. May mga taong kapag nagagalit sa kanyang kapwa ay ipinapanalangin niya itong mamatay na sana.. Ang ganyan pong mga panalangin ay hindi po kaylanman diringgin ng Dios, sa halip may pananagutan tayo sa Dios kapag ginawa natin ito.. Bukambibig din ng ilan ang salitang "mabuti nga sa kanya", kapag may Inis at galit o inggit iyan ang maririnig natin sa bibig ng iba. Parang nagagalak pa sa kapahamakan ng iba.. Hindi po iyan ang dapat makita sa mga anak ng Dios.
Mga kapatid, maging mapagmalasakit po tayo sa mga dukha tulad ng Panginoong Hesus, at huwag po nating ikagalak ang kapahamakan ng ating kapwa sa halip ipanalangin natin ang kanilang kaligtasan at bahaginan natin sila ng Salita ng Dios ng sa ganoon ay magbago din ang kanilang mga maling pananaw sa buhay. Pagpapala nawa ang laging lumabas sa ating mga labi at hindi ang ikapapahamak ng ating kapwa.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Salamat po pastor at ako'y naliwanagang uli. Nagkamali na naman aakodahil ikinatuwa ko ang pagkapahamak ng iba. Patawarin nawa ako ng ating butihing Dios. 😓
 
hindi po ako pastor isa lamang po akong instrumento para mag bahagi ng salita ng Diyos.

Humingi ka ng tawad sa Diyos at talikuran ang iyong pagkakamali, likas na sa tao ang pagkakamali importante nagrerepent tayo sa ating kasalanan pero di ibig sabihin nun eh gagawin natin yun ulit, maging ako man ay patuloy na nakagagawa ng di kalugod lugod sa Diyos. all of us are still in the process of renewing our lives slowly but surely ❤️
 
Back
Top