What's new

Daily Bread (July 23 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"NAGIISANG DIOS"
(HEBREO 11:6)
6 Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.
Isang maulan at mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Gaano nga ba kahalaga ang pananampalataya? Una mga kapatid ang pananampalataya ay ang sentro ng ating paglilingkod at pagsamba sa Dios. Hindi natin masasamba ang Dios ng walang pananampalataya. Sinasabi po ng ating talata na "hindi maaring kalugdan ng Dios ang walang pananampalataya sa Kanya" , ito ang pangunahing requirement upang malugod Siya sa atin. Pangalawa sinasabi po ng ating talata na ang "sinumang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios. Maraming lahi at bansa na tumatawag sa Dios at sa ibat ibang uri ng mga dios subalit hindi naniniwalang may iisang Dios. Bawat lahi, bawat bansa ay may kanikanyang dios, ngunit kilala ba nila kung sino ang tunay na Dios.? Dito na lamang po sa ating bansa hindi mabilang na dios diosan ang tinatawagan ng mga tao. At ang sinasabi ng marami, parepareho lang daw namang Dios ang tinatawagan natin. Iyan ang hindi nauunawaan ng marami, dahil ang Dios na tunay ay iisa at kailangang manampalataya tayo sa iisang Dios na ito.
(ISAIAS 44:24) - 24 “Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo:
Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan,
at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.
Si Yahweh ang ating Dios, ang tagapagligtas at lumikha sa atin, kung ating tinatawagan ay hindi tagapagligtas at hindi lumalang sa atin mali po ang ating tinatawagan o sinasamba, dahil iisa lamang ang tagapagligtas at manlalalang, samakatuwid ang lahat ng ibang dios ay pawang likha lamang ng iisang Dios na Manlilikha... Sabi ng talata, "Ako lamang magisa ang nagladlad nitong kalangitan" at nagiisa ring lumikha ng sanlibutan.. Siya po ang tunay na Dios kailangang manampalataya tayo na Siya lamang, "si Yahweh ang nagiisang Dios na ating manlalalang at tagapagligtas". Kilalanin natin at hanapin ang tunay na Dios, suriin mo at isiping mabuti, ang tinatawagan ko bang Dios ay ang Dios na si Yahweh? Baka naman namana lang natin sa ating mga ninuno ang ating mga tinatawagang mga dios diosan, tandaan po natin na ang ating Dios ay seloso, mapanibughuin at ayaw Niya na mayroon tayong kikilanling ibang dios maliban sa Kanya. Sabi po sa (Deuteronomio 5:8-10)
8 “‘Huwag kang gagawa ng diyus-diyosang imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 9 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi." 10 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig at pagkalinga sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan."....... Mga kapatid. Kung ang ating mga ninuno o mga magulang ay sumamba sa mga diosdiosan, huwag na po tayo, upang makalaya po tayo sa sumpa na dulot ng pagsamba sa diosdiosan, sabi sa talatang 10," Ngunti ipadarama ko ang aking pagibig at pagkalinga sa libo libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan. ".. Nais mo bang maranasan ang walang hanggang pagibig at pagkalinga ng Dios? Sambahin mo si Yahweh at sampalatayanan at kilalaning Siya lamang ang nagiisang Dios ng iyong buhay.
Muli ang pagpapala at pagkalinga ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top