What's new

Daily Bread (July 22 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,188
Reaction
3,957
"TAWANAN MO ANG IYONG PROBLEMA"
* (KAWIKAAN 17:22)
"Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto..
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Isang Awit ni ka Freddie Aguilar ang sumikat noon na may pamagat na TAWANAN MO ANG YONG PROBLEMA. Ganito po ang sinasabi ng awit. Sari-saring problema
Ang sa ulo mo'y tumotorta
Lahat na halos ng paraan
Sinubok mo ngunit 'di umubra
Ba't 'di ka tumawa? Tumawa ka
Tawanan mo ang 'yong problema
'Di mo dapat dibdibin
At 'wag mong masyadong isipin
Libangin mo ang 'yong sarili
Tawanan mo ang 'yong problema
Tumawa ka, bakit hindi?
Tawanan mo ang 'yong problema
Ganyan nga, kaibigan
Tawanan mo ang 'yong problema
'Wag mong isipin nang todo
Baka ikaw ay maloko
Tumawa ka, bakit hindi?
Tawanan mo ang 'yong problema
Tumawa ka, bakit hindi?
Kahit ang mga doktor ay sinasabi ito," Laughter is the best medicine." Ang pagiging masayahin ay pinakamabuting gamot... Ang isang tao na laging masaya ay hindi madaling madadapuan ng karamdaman. Subalit ang taong laging malungkot, laging nagiisip, problema do ay madaling tamaan ng karamdaman.. Bakit po kaya? Dahil ang taong problemado ay isip ng isip, hindi makakain, hindi makatulog. At kung minsan dahil sa problema ay tumatakbo sa alak at labis na paninigarilyo, kaya naman lalong nagkakasakit... Ano po ba ang sabi ng Panginoong Hesus sa (Juan 10:10)?
"Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.".. Iyan ang nais ng Dios para sa atin ang mabuhay tayo ng masaya masagana at totoong ganap... Ang sabi sa aklat ng Panaghoy sa english.. (Lamentations 3:22-23) The steadfast love of the Lord never ceases, his mercies never come to an end.
23 they are new every morning great is Thy faithfulness.
Laging may bagong umaga mga kapatid, hindi mauubos ang biyaya at bagong pagkakataon na nakalaan sa atin, dahil ang Dios ay mahabagin at Dakila... Kaya bumangon tayo, gumising muli at magsaya dahil ang kalungkutan ay maghahatid sa atin sa kabagabagan.. Subalit ang kagalakan ang magpapalakas ng ating kaluluwa tignan natin muli ang ating talata.. ... Sabi ng Panginoong Hesus sa (Mateo 11:28) "Magsiparito kayo sa akin kayong lahat ng mga napapagal at nabibigatang lubha sa inyong pasanin at kayo ay aking pagpapahingahin" ... Kapatid sa halip na malungkot ka, ibigay mo sa Panginoong Hesus ang iyong mga kabigatan.. Huwag mong dalahing magisa, magpatulong ka sa Panginoong Hesus.
Tandaan po natin at limiin ang sinasabi ng ating Teksto... (KAWIKAAN 17:22)
"Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto..."
Pagpalain po tayo ng Dios at bigyan ng kapayapaang dulot ng pag aliw sa atin ng banal na Espiritu Santo, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen

Pastor Ombie Lontoc
 

Online statistics

Members online
790
Guests online
876
Total visitors
1,666

Forum statistics

Threads
1,196,991
Posts
21,190,598
Members
1,594,731
Attachments
1,680,567
Profile posts
99,745
Top