What's new

Daily Bread (July 21 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
" HUWAG MAGBUHAT NG SARILING BANGKO"
(MGA KAWIKAAN 27:2)
2 Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
May mga tao na sa karamihan ng mga accomplishment at tagumpay sa buhay ay hindi ito ipinagyayabang, nagugulat na lamang tayo sa kwento ng ibang tao na siya pala ay isang matagumpay na tao... Labis kong hinahangaan ang ganitong mga tao, simple at hindi mayabang.
Sa kabilang banda may mga tao naman na mahilig MAGBUHAT ng kanyang sariling BANGKO, kapag may nagawang konti ay agad na ikinukwento at ipinagmamalaki. Hindi natutuwa ang marami sa ganitong mga tao, manapa ang marami ay naiinis at nayayabangan. Naalala ko tuloy yung isang segment ng Eat Bulaga noong araw na "Wala yan sa lolo ko". Mga kwento ng pagalingan ng lolo.. Kung tayo po ay napupuri ng iba dahil sa ating magagandang bagay na nagagawa mabuti po iyon, dahil mas pinaniniwalaan ito, at kung tayo po ay nagpupuri, lagi nating sabihin "To God be the Glory", dahil hindi naman po natin magagawa ang isang bagay
Kung hindi tayo sinamahan ng Dios... Huwag nating buhatin ang ating sariling BANGKO, hayaan nating ang iba ang MAGBUHAT nito para sa atin. Nawawalan ng talab ang ating nagawa kapag tayo ang nagbabandera nito sa iba... Halimbawa ay tumulong tayo sa ating kapwa, pero ipinagmamalaki pa natin na tayo ay tumulong, ito ay isang uri ng pagbubuhat ng sariling bangko.. Kung gagawa po tayo ng mabuti o tutulong sa ating kapwa huwag na po nating ipagsabi ito, may Dios na nakakakita ng iyong ginawa at Siya ang sa iyo ay magbabalik ng gantimpala. ( Mateo 6:3-4)
"Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay: Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka."
Mga magulang ko at kapatid, sikapin nating maglingkod at mabuhay ng may kapakumbabaan kung may naabot man tayo, may tagumpay sa buhay, may natulungan, o nalimusan. Hayaan nating iba ang maghayag nito, huwag na nating ipost pa sa fb o manggaling sa ating sariling bibig, dahil higit na kapanipaniwala ang patotoo ng ating kapwa para sa atin kaysa tayo ang magbuhat ng ating sariling bangko. Higit sa lahat may Dios na nakakakita ng mga mabubuti nating mga ginawa ng lihim.. Siya ang maghahayag nito sa mga tao at magbibigay sa atin ng gantimpala..
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top