What's new

Daily Bread (July 20 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"TUMATAKBO PERO WALANG NARARATING, SUMUSUNTOK NGUNIT WALANG TINATAMAAN"
(1 Corinto 9:26)
26 Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.. Nakaranas na po ba kayo ng lakad ng lakad o takbo ng takbo ng wala namang tiyak na patutunguhan? .. O SUMUSUNTOK subalit wala namang tinatamaan,? Hindi po bat nakakapagod? (maliban na lang kung nageehersisyo tayo) .. Subalit kung minsan sa ating buhay nangyayari po ito, na parang hindi natin maratingrating ang ating nais marating, iba iba ang dahilan kung minsan ay may mga tao na ayaw tayong bigyan ng pagkakataong makahantong tayo doon sa dapat nating marating. May mga pangarap din tayong ianaabot nating pilit ngunit hindi natin maabot dahil sa kataasan.. Subalit mas mahirap yung SUMUSUNTOK ka lang sa hangin pero wala kang tinatamaan.. Mahirap mga kapatid na gumagawa tayo ng isang bagay o plano na hindi natin alam kung ano ang kahahantungan nito. Kaya marami ang napapagod na iistressed at nawawalan na ng gana pagdating sa dulo... Tularan po natin si Apostol Pablo, ang sabi niya sa ating talata, 26 "Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin." 'pag nagplano si Paul sigurado siya sa magiging result, una ipinapanalangin niya muna kung kalooban ito ng Dios, at pangalawa ay pinaghahandaan niya itong mabuti.. Malimit tayong lumakad ng hindi sumasangguni sa Dios kaya madalas wala pong NARARATING ang ating paglalakbay.. Madalas din tayong sumuntok sa hangin ibig sabihin ay pasok ng pasok sa isang sitwasyon na walang kaukulang paghahanda, ito yaong mga pasya natin na madalas ay pinagsisisihan natin sa huli.. Halimbawa ay nagbukas ka ng isang negosyo ng hindi mo naman kabisado, inilagay mong lahat ang pera mo pero hindi naman nagboom at nagkalugilugi ang negosyo, saka mo lang maiisip na "sana pala pinagplanuhan ko munang mabuti" ... . Mga magulang ko at kapatid hindi po masama ang umusad o kaya ay umakyat ng mas mataas pang hakbang kaysa doon sa dati nating kalagayan. Subalit lagi po tayong humingi ng gabay sa Lord, huwag pong basta sugod, at huwag ding sumunsuntok lang tayo sa hangin.. Lagi natin itong isangguni sa Dios, at planuhing mabuti ang mga bagay na ating susuungin, upang hindi po tayo magsisi sa huli.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top