What's new

Daily Bread (July 2 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
'HUWAG MAGMATAAS"
(SANTIAGO 4:10)
10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang pagpapakumbaba ang isang napakahirap na gawin nating tao. Likas sa tao ang mapride. Ito rin ang ibinagsak ni Lucifer kung kayat pinalayas siya ng Dios sa langit. At dahil doon tayong tao ang nais niyang ibagsak at hinahawahan ng kanyang pagiging mapagmataas.
Sa Isaias 14:12-18 inilalarawan ang pagbagsak mula sa langit ng isang tinatawag na “Lucifer,” isang pangalan na nangangahulugang “tala sa umaga,” “anak ng bukang liwayway,” “bituin sa umaga,” o “maningning na tala.” Ang paglalarawan sa mga talatang ito ay nagpapakita sa atin na ang “Lucifer” na ito ay walang iba kundi si Satanas. Alam natin mula sa pananalita ni Hesus sa Lukas 10 na bumagsak si Satanas mula sa langit. Kaya nga ng tukuyin ni Isaias si Lucifer (helel sa wikang Hebreo) na itinapon sa lupa (Isaias 14:12), wala siyang ibang tinutukoy kundi si Satanas. Ang dahilan ng pagbagsak ni Satanas ay matatagpuan sa mga talatang 13 at 14, “At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.” Ito ang laging ninanais ni Satanas mula pa nang una – ang maging Diyos – at ito ang tukso na kanyang ginamit sa hardin ng Eden upang itulak si Eba sa pagsuway sa Diyos: “kayo'y magiging parang Dios” (Genesis 3:5).
Kaya naman mula ng mahulog ang unang tao sa kasalanan ang pride ang ginamit na bitag ng Diablo.. Hindi tatanggap ng pagkakamali at nais lagi ay ibagsak ang kapwa... Noong araw, ng kabataan ko at may bukid pa rito sa nayon mahilig akong mangilaw ng palakang bukid, , gamit ang flashlight, uso yan dito sa Bacao lalo na pagsapit ng unang patak ng ulan naglalabasan ang mga palakang bukid sa gabi ang lalakas ng kanilang mga kokak.. .. Paano nakikilala ang palakang bukid o palakang tunay sa hindi tunay,? ... Ang palakang tunay pag tinamaan ng liwanag ng lente ang mga mata sila ay yumuyuko o sumusubsob sa lupa, samantalang ang palakang beuro na hindi nakakain ay lalong itinataas ang ulo pag tinatamaan ng liwanag. Ganoon din naman sa ating mga tao makikilala ang tunay na tinamaan ng liwanag ni Kristo kung tayo ay lalong naging mapagpakumbaba.. Samantalang ang mga taong hindi tunay na nagpakumbaba sa liwanag ni Kristo ay lalong nagiging mapagmataas, may mga ganyang Kristiyano, hindi totoong naliwanagan ng ilaw ni Kristo... Mga kapatid suriin po natin ang ating sarili tayo po ba ay lumalakad sa liwanag ni Kristo o tayo ay naimpluensiyahan ng mapagmataas na ugali ni Satanas? Sabi ng (Lucas 11:35) 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo.”
Mamuhay po tayo ng may pagpapakumbaba dahil sinasabi din po sa (MATEO 23:12) 12 ANG nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”
PAgpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Ganoon din naman sa ating mga tao makikilala ang tunay na tinamaan ng liwanag ni Kristo kung tayo ay lalong naging mapagpakumbaba..
Salamat po. Magandang umaga.
 
Back
Top