What's new

Daily Bread (July 18 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
HUWAG IPAGDAMOT SA IBA ANG KALIGTASAN (Roma 6:23)
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios... Sabi ng ating talata kamatayan ang kabayaran ng kasalanan.. Napakarami palang makakaranas ng kamatayan espiritwal kung hindi po tayo magbabahagi nito sa ating kapwa dahil sa napakaraming tao ang namumuhay sa kasalanan at ayon po sa ating talata ay kamatayan (espiritwal) ang kabayaran nito.
Bigla kong naisip mayroon kayang tao na gugustuhing mamatay ang kanyang kapwa (maliban na lang na namumuhi tayo sa kanila). Ang sagot ay wala, ngunit ang nakakalungkot ay hindi natin alintana kung ang atin bang mga kapamilya, mahal sa buhay, katrabaho, kaeskwela ay nalulugmok na sa paggawa ng kasalanan na base sa talata natin ay hahantong sa kamatayan. . Ang isa pang nakakalungkot dito kapag hindi po tayo nagbahagi ng kaligtasan sa ating mga kamag anak at mga mahal sa buhay at ipinagdamot po natin ito sa kanila ay lumalabas ang katotohanan na hindi talaga natin sila iniibig. Ang tapat na pag-ibig ay naghahangad na ang kanyang kapwa ay makaiwas sa kamatayan (kaparusahan) na dulot ng kasalanan. Hindi tayo iibig para sa sarili nating kapakanan kundi para sa kapakanan ng iba... Ang pagbabahagi ng Salita ng Dios sa ating kapwa ay isang hakbang ng pagpapakita ng pagibig sa ating kapwa... Huwag nating hayaan at balewalain ang kanilang paglulunoy sa kasalanan.. At pagkalulong sa ibat ibang uri ng bisyo, tulad ng sugal, paglalasing, pambababae at pagkalulong sa mga bawal na gamot.. Kahit nakikita nating ok ang kalagayan, nakakaangat sa buhay, payapa ang pamilya hindi po iyon sapat na pruweba na sila ay ligtas na.. Ang basehan po ng ating kaligtasan ay si Kristo, hindi po tayo maililigtas ng ating mabubuting gawa kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Panginoong Hesus.. (Efeso 2:89) 8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.... Hindi sa pamamagitan ng ating mga gawa, kundi sa pamamagitan ng ginawa ng Dios... Ibinigay niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tayo ay maligtas.. Regalo o biyaya ito ng Dios sa atin, tanggapin natin ang regalong ito ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagsampalataya natin sa ginawang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus doon sa Krus ng Kalbaryo.
Muli ay tamasahin natin ang biyaya at pagiingat ng Dios sa ating mga buhay ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top