What's new

Daily Bread (July 16 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAY SIMBA NA TAYO SA CHURCH"!!!
(Awit 100:4)
Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang , umawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal ; purihin ang ngalan Niya at Siya’y pasalamatan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Matagal tagal na rin tayong hindi nakakapag church sa ating kanya kanyang iglesia sanhi ng pandemya, bagamat mayroon ng ilan na may face to face worship na subalit marami parin ay nasa virtual o line worship service... Mahirap talaga dahil hindi tayo sanay na hindi nakaka rating ng simbahan lalo na at araw ng Linggo. Kagaya ng sinasabi ng ating talata.. "PUMasok tayo sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang". Iba talaga ang pakiramdam pag sa loob ng church, feel mo ang presence ng iyong mga kapatid lalong lalo na ang presensiya ng Dios. Sa virtual bagamat may awitan at pagpupuri hindi kasing sigla ng samasamang pananambahan... at may sumasayaw may tumutugtog damang dama ang pagdiriwang sa pagpupuri at pagsamba. Kaya naman sa panahon ng pandemya ay talagang naguumalpas sa ating puso ang pananabik na makabalik na tayo sa dating pananambahan... Sabi ng talata umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal.. Lalo na pagdating sa paghahayag o pangangaral ng Salita ng Dios, dinig na dinig natin yung Amen at Haleluya ng bawat kapatid.. Sino sa inyo ang namimiss na ang ganitong pagsamba? Babalik na ang ating Iglesia sa simbahan pero hindi pa pwede ang mga bata at mga senior.. Lalo na ang mga may sintomas ng ubo at lagnat. Subalit magpasalamat pa rin tayo sa Dios, unti unti ay nakakabalik na tayo... Kaya naman pagbalik natin sa church bigay todo na po natin ang pagpupuri at pagsamba sa Dios, at higit sa lahat pakinggan nating mabuti at ipamuhay ang Kanyang mga Salita na maipahahayag ng sinumang mangangaral.. Handa ka na bang muling bumalik sa simbahan, ito talaga kasi ang biblikal na pananambahan ayon sa ating talata, tunghayan po nating muli..
Awit 100:4)
Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang , umawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal ; purihin ang ngalan Niya at Siya’y pasalamatan. Napakasaya at napakaligayang makapiling muli ang ating mga kapatid ng personal, at maranasan muli ng samasama ang presensiya ng Dios.
Purihin ang Dios.. Pagpapalain Niya tayong lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top