What's new

Daily Bread (July 15 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"SI YAHWEH ANG TAGAPAGLIGTAS"
(ISAIAS 44:24)
“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magaral ng mga Salita ng Dios.
Sa ating talata sinabi ng Dios na Siya ang ating tagapagligtas.. Walang ibang makapagliligtas sa atin sa tiyak na kapahamakan kundi ang Dios, walang sinumang tao ang makapagliligtas sa atin, maging ang ating saril ay hindi makapagliligtas sa atin.. Kaya nga may Dios na nagkatawang tao upang tayo ay iligtas dahil walang qualified kahit sino sa atin na maging tagapagligtas kundi ang Panginoong Hesus lamang, dahil hindi Siya nagkasala kahit minsan. At Siya din ay Dios.
Pangalawa ang Dios ang ating manlilikha, sabi ng talata ako ang lumikha sa inyo.. Kung hindi tayo nilikha ng Dios walang tao na nabubuhay sa daigdig na ito.. (Genesis 1:27) Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,.
Pangatlo sabi ng talata, Ako lamang ang nagladlad nitong kalangitan.. Walang sinumang dios na makapaglaladlad ng buong kalangitan kundi ang tunay na Dios na makapangyarihan sa lahat. Siya ring magisa ang may likha ng sanlibutan, lahat ng nariritong may buhay at mga bagay na naririto sa mundo ay Dios ang maylikha.. Napaka makapangyarihan ng ating Dios.. Kung hindi dahil sa Kanya wala tayong lahat dito.. Kaya ang buong sangnilikha ay umiiral at nabubuhay dahil mayroong Dios na makapangyarihang gumawa nito.. Saliksikin mo at aralin kapatid kung gaano makapangyarihan ang Dios, saliksikin mo ang Biblia at tiyak na mamamangha ka sa Dios na buhay na ating pinaglilingkuran, kayat karapat dapat Siyang purihin at sambahin ng lahat ng nilalang.
Muli ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top