What's new

Daily Bread (July 14 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
MAY ALAT KA PA BA?
(MATEO 5:13)
13 “Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang mga mananampalataya ay inahalintulad ng Panginoong Hesus sa asin... Alam natin kung gaano kahalaga ang asin lalo na noong wala pang ref at mga pangpalasa sa lutuin.
Ang asin ay pang preserba, ang anumang karne o isda o pagkain na binudburan ng asin ay hindi mabubulok. Ginagamit din itong pampalasa ng pagkain, hindi másáráp ang pagkain kung
matabang sa alat. Ganyan din tayong mga anak ng Dios at mga alagad ni Kristo. Kung sinasabi nating tayo ay Kristiyano ngunit hindi naman nakakaapekto ito sa mundo wala pong silbi ang pagaangkin natin na tayo ay Kristiyano.
Ang isang Kristiyano ay nakakaimpluensiya sa iba, may buhay na patotoo na manghahawa sa iba para din sila ay maglingkod sa Dios.
Ang ating kalagayan ay parang asin, nagppreserved ng mundo, nagpapalasa ng buhay. Kaya't kung hindi po makikita ang pagbabago sa ating buhay at namumuhay ding tayong katulad ng mga hindi mananampalataya ano po ang ating silbi. Kaya nga ang sabi ng ating talata kung ang asin ay mawalan ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? .. Napakahalaga ng ating patotoo, kapag ito ay nasira hindi na tayo paniniwalaan ng ating kapwa, hindi tayo makakaakay, at kahit mangaral pa tayo ng Salita ng Dios hindi po sila maniniwala dahil wala na po tayong alat. Pagtatawanan na lang tayo at sasabihin nilang wala naman tayong ipinagkaiba sa kanila.. Katulad ng asin na nawalan ng alat, pagtatapakan na lang at itatapon ito ng mga tao. Mga kapatid pakaingatan po natin ang ating mga patotoo, ating tandaan ang sinabi ng ating Panginoong Hesus, tayo ang asin ng sangkatauhan. Hindi mabubulok ang mundong ito hanggat may mga mananampalatayang nananatiling maalat at nagppreserba ng sangkatauhan.. Tayo ang pampalasa na nagpapanatili ng kapayapaan at maka Dios na pamumuhay sa mundong ito... Kumusta na ang iyong pagiging asin kapatid? Maalat ka pa ba? O ikaw ay tumatabang na, suriin po natin ang ating buhay bilang mga asin ng sanlibutan.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top