What's new

Daily Bread (July 11 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" IBAHAGI NATIN ANG LIWANAG SA IBA"
( Mga Taga-Efeso 5:8)
Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Mga kapatid mamuhay tayo ng nararapat sa mga taong nasa liwanag.
Ito ang hinihingi (requirement) ng ating tinanggap na liwanag ng Mabuting Balita. Nang tayo ay sumampalataya sa Panginoon, tayo’y naging kahati ng Kanyang kalikasan bilang Diyos (2 Pedro 1:4). At mula sa kadiliman, tayo’y nasa liwanag na dahilan sa ating Panginoon (Efeso 5:8). Ang inaasahan ngayon ng Panginoon sa atin ay “mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga taong naliwanagan.” At ang utos ng Panginoon sa atin at sa Kanyang Iglesia ay maging “Ilaw ng sanlibutan” at kinakailangang magliwanag ang ating ilaw sa gitna ng madilim na sanlibutan.
Ito ang kailangan ng sanlibutan na nasa kadiliman. Ang kadiliman ay masusumpungan sa lahat ng aspeto ng buhay sa kasalukuyang sistema ng sanlibutan. May kadiliman sa lipunan – nawawasak ang pamilya, laganap ang pagbagsak ng kasagraduhan ng marriage, at ang imoralidad ay nagiging lifestyle sa panahong ito. Ang live-in relationship ay pangkaraniwan lamang lalo na sa mga kabataan. Ang ****ograpiya ay abot-kamay kahit ng mga musmos sa loob mismo ng sariling tahanan sa pamamagitan ng isang click ng mouse ng kanilang computer sa bahay. Ang sukatan ng pagiging tunay at magaling na lalaki ay duon sa dami ng kinakasamang babae bukod sa kanyang tunay na asawa. May kadiliman sa larangan ng politika at hindi lingid sa ating kaalaman ang mga bagay na ito sa ating bansa. May kadiliman maging sa aspetong pangrelihiyon. Maraming mga tagapagturo ang inilalayo ang tao sa liwanag ng katotohanan ng Ebanghelyo. May mga lider ng relihiyon na nakalublob sa imoralidad, at mayroon din sa mga ito na ang kaabalahan ay magkakamkam ng yaman sa halip na mangaral ng Salita ng Diyos.
Ito ang inaasahan sa ating ministeryo. Kung ang ating lipunan na may presensiya na ng mga mananampalataya at ebanghelikong simbahan ay laganap pa rin ang kadiliman, ano na kaya ang mangyayari kung wala? Samakatuwid, malaki ang inaasahan sa ating mga anak ng Dios sa sanlibutan bilang mga mananampalataya, at bilang Iglesia ng ating Panginoon. ” Purihin ang Diyos sapagkat, bagaman mahirap, ang ministeryong ito ay isang pribilehiyo.
Tinawag tayo mula sa kadiliman tungo sa liwanag, kaya naman malaking pribelehiyo ito para sa atin... Mga kapatid mamuhay tayo sa liwanag ni Kristo at maging tanglaw tayo ng mundong ito na nasasadlak sa kadiliman.. Huwag nating ikubli ang ating liwanag maging buhay na patotoo po tayo sa iba.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Omvie Lontoc
 
Back
Top