What's new

Daily Bread (July 10 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
SI KRISTO ANG KAPAHINGAHAN
( AWIT 25:17)
Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y Iyong payapain.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Bago pa magkatawang tao ang Panginoong Hesus, nabanggit na ito sa aklat ng mga AWIT sa ating talata, "Pagaanin mo ang aking pasanin". Ito ang mga Salitang namutawi sa labi ng Panginoong Hesus sa "Mateo 11:28 Magsiparito kayo sa akin kayong mga napapagal at nabibigatang lubha sa inyong mga pasanin at kayo ay aking pagpapahingahin". Hindi hinahayaan ng Panginoong na tayo ay lubhang mahirapan sa pagpasan ng ating mga suliranin, manapa ay kinukuha Niya ito sa atin.. Huwag na tayong magpakahirap sa pagpasan, ibigay natin ito sa Panginoong upang magkaroon po tayo ng kapanatagan... Sabi ng ating talata ngayon, "Mga gulo sa isipan ko'y Iyong payapain.. Marahil napakaraming mga bagay na nagpapagulo ngayon sa iyong isipan.. Sa dami ng mga negatibong nakikita natin sa paligid, talaga naman hindi maiiwasang magisip at kung minsan ay panghinaan ng loob, subalit ibigay natin ito sa Panginoong Hesus Tanging Siya lamang ang makapagpapayapa ng ating kaisipan.. Mga kapatid nariyan lagi ang Panginoong Hesus na handang umagapay at sumaklolo sa atin sa panahon ng ating mga kagipitan..Ilagak natin sa Kanya ang lahat ng ating mga alalahanin.
Ang kapayapaan ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Translation


IN CHRIST WE CAN FIND REST
(PSALM 25:17)
Lighten my burdens, calm the troubles of my life.
Blessed day to all of us, let us meditate on the Words of God again.
Before the incarnation of the Lord Jesus, it was mentioned in the book of Psalms in our verse, "Lighten my burden". These are the words spoken from the lips of the Lord Jesus in "Matthew 11:28 Come unto me, all ye that labor and are heavy laden, and I will give you rest". The Lord does not allow us to be very difficult to bear our problems, but He takes it from us. Let us not be too hard to bear, let us give it to the Lord so that we may have peace ... Our verse says now, "You will calm the troubles in my mind. There are probably so many things that are bothering your mind right now. With the amount of negatives we see around, it is really unavoidable to think and sometimes be discouraged, but let us give it to the Lord Jesus. Only He can calm our minds. Brothers and sisters, the Lord Jesus is always there who is ready to accompany and help us in our times of need. Let us leave all our worries to Him.
Peace be with you all now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top