What's new

Daily Bread (January 8 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG KAYONG MATAKOT TUTULUNGAN KO KAYO"
(ISAIAS 41: 13)
13 Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong mag bulay ng Salita ng Dios.
Sa nangyayari ngayon sa daigdig, hindi maikakailang marami na ang natatakot. Dalawang taon na ang salot na covid pero hanggang ngayon nandyan pa rin siya at walang katiyakan kung kailan ito matatapos. Pahirap ng pahirap ang buhay, ang hirap maghanap ng trabaho at pamahal ng pamahal ang bilihin, lahat pa naman ngayon ay binibili pati tubig. Ano nga ba ang bukas na ating kahaharapin? May liwanag pa bang naghihintay sa atin?... Mabuti na lang nariyan ang Salita ng Dios na nagbibigay sa atin ng pag asa. Kagaya po ng ating talata ngayon, sabi ng Lord, "Ako si Yahweh na inyong Dios, ang magpapalakas sa inyo". Salamat sa Dios Siya ang nagbibigay sa atin ng kalakasan, kung minsan papunta na tayo sa panghihina ng loob, ng takot at pag aalala, pero laging nariyan ang Salita ng Dios na nagpapalakas sa atin, pinalalakas tayo ng Dios.. At Siya din ang tumutulong sa atin , sabi po Niya sa ating talata "Huwag kayong matakot tutulungan ko kayo.".. Mga kapatid huwag po tayong matakot, panghawakan po natin ang Salita ng Dios, sabi po Niya tutulungan Niya tayo.. Hindi po tayo kailanman pababayaan at iiwan ni Lord. Mga kapatid habang nagtitiwala tayo sa Dios, hindi matatapos ang Kanyang katapatan sa atin. Purihin natin ang Dios sa Kanyang kabutihan.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top