What's new

Daily Bread (January 6 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
ANG COVID AY MAY KATAPUSAN, SUBALIT ANG PAG-IBIG NG DIOS AY WALANG HANGGAN.
( Panaghoy 3:22)
"Ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag."
Mapagpalang araw pong muli mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Noong nakaraang buwan kasagsagan ng Christmas season, masaya tayong lahat akala natin ay patapos na ang covid na ito. Pero pagkatapos ng paghihiwalay ng taon, muli na namang nagdeklara ang ating gobyerno ng level 3 restriction kaugnay ng covid, ibig sabihin balik na naman tayo sa paghihigpit at pagbabantay ng mga kinauukulan, paiigtingin muli ang social distancing at babawalan na muli ang mga mass gathering... At mukhang gagamit na naman tayo ng face shield sa mga malls di pwedeng facemask lang at ipapakita ang iyong vaccine card.."Ano ba yan?" "Parang wala ng katapusan!", sambit ng iba.
Subalit napakaganda ng pangako ng Dios sa ating talata ngayon mga kapatid. "ANG PAGIBIG AT AWA NG PANGINOON AY WALANG KATAPUSAN. Grabe ang pag ibig ng Lord sa atin walang katapusan, maging ang Kanyang awa. Kaya ang tao ay hindi Niya lubusang lilipulin, dahil mahal Niya tayo. Kaya ang covid na ito ay may katapusan hindi itutulot ng Dios na ang Kanyang mga anak ay mamatay o malipol sa salot. Marahil kung hindi tayo mahal ng Dios matagal na tayong nalipol na lahat dahil sa katigasan ng ating mga ulo. Pero sabi po ng ating talata, "ARAW ARAW AY IPINAKIKITA NIYA ANG KANYANG HABAG." Purihin ang Dios napakamahabagin Niya. At mahal Niya tayong lahat. Mga magulang ko at kapatid huwag po kayong mangamba na ang salot na ito ay hindi na matatapos,.. matatapos din yan, ang hindi matatapos ay ang habag at pag ibig ng Dios sa atin... kaya maging masunurin po tayo sa Kanya, magpakumbaba po tayo at humingi ng tawad at kahabagan sa Dios.
Ingatan po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top