What's new

Daily Bread (January 30 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI LAHAT AY ANAK NG DIYOS"
(Juan 1:12)
" Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."
MAPAgpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Lahat ng tumanggap at nanampalataya sa Panginoong Hesu Kristo ay binigyan ng karapatan ng ating Panginoong Hesus na maging mga anak ng Dios. At ang hindi sumasampalataya ay itinuturing naman na kaaway ng Dios, dahil ang nais ng kanilang ama ang nais nilang gawin.. (Juan 8:44) "Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan."
Makikilala natin ang mga anak ng Dios kapag ito ay lumalakad sa katwiran ng Dios, namumuhay sa Kanyang kalooban at nagbago ng kanyang buhay... Dati tayo ay nasa panig ng kadiliman subalit mula ng dumating sa ating buhay ang Panginoong Hesus tayo ngayon ay namumuhay na sa liwanag.
Bilang mga Anak ng Dios, kilala ng Panginoong Hesus ang Kanyang mga tupa, mayroon silang relasyon magkakilala sila, dapat ganoon tayo mga kapatid, kilala natin ang Panginoong Hesus at kilala Niya rin tayo.. Walang magka relasyon na hindi magkakilala. Siya ang ating Dakilang pastol at tayo ang Kanyang mga tupa.. (Juan 10:11, 14,15) “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. . 14-15 Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa".... Ang mga anak ng Dios ay may malalim na relasyon sa Panginoong Hesus..Mayroong ugnayan sa isat isa.. . Kapatid, kilala ka ba ng Panginoong Hesus? .. At gaano mo rin Siya kakilala? Nawa ay patuloy tayong manampalataya sa Kanya at magpakalalim sa Kanyang mga Salita upang lumalim pa ang ating pagkakilala sa Kanya.
Muli ang pagiingat at biyaya ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top