What's new

Daily Bread (January 28 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG DIOS ANG NAUNANG UMIBIG SA ATIN"
******(1 Juan 4:19) *****
Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sa lahat ng bagay ay una ang Dios, walang anomang bagay o nilalang na nauna sa Kanya o mas nakahihigit sa Kanya, dahil Siya ang may lalang sa lahat ng bagay... Tulad ng sinasabi ng ating talata,. "Tayo'y umiibig dahil ang Dios ang unang umibig sa atin". Kahit sa usapin ng pagbibigay hindi natin mauunahan o madadaig ang Dios..
"HINDI NATIN MADADAIG ANG DIOS SA PAGBIBIGAY, DAHIL NAUNA SIYANG NAGBIGAY SA ATIN KAYA TAYO NAKAPAGBIBIGAY" ...Dapat nating kilalanin mga kapatid na kung wala ang Dios wala po tayo sa Daigdig na ito at wala din tayong kahit anoman na hindi galing sa Kanya.. Kaya wala pong makapagmamalaki sa Dios kahit pa sinong pinakatanyag at dakilang tao sa mundo, lahat tayo ay sa Kanya nanggaling. Ang marapat na gawin nating mga tao ay sambahin Siya at dakilain dahil sa kamanghamanghang bagay na ginawa Niya sa atin. Sambahin natin Siya at kilalaning Siya ang kaisaisang Dios na lumikha sa lahat ng bagay sa sansinukob. Luwalhatiin natin ang Pangalan ni Yahweh, ang ating Dios na makapangyarihan sa lahat.
Ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Picture1.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top