What's new

Daily Bread (January 27 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" MGA DIGMAAN"
(MATEO 24:6-8)
6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. 7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
MAPAGpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kung kayo po ay updated sa nangyayari ngayon sa ating Daigdig ay makikita natin na may mga Bansa ngayon na naghahanda sa pakikidigma o giyera ito ay ang Russia at ang Ukrane.. At ang Amerika ay nakikisawsaw sa isyung ito, magbantay po tayo at manalangin dahil nakatala naman po iyan sa Banal na kasulatan partikular sa ating teksto ngayon. Napakarami ng nagdaang malalaking giyera panahon pa ng lumang tipan at sa panahon ng ating Panginoong Hesus ay marami ding naganap na digmaan, panahon ni Alexander the Great, ni Hitler, ng unang digmaang pandaigdig at ikalawa noong kalakasan ng Bansang Hapones. Pero noon po ay mga sibat at espada lang ang ginagamit na sandata, naging mga baril na isang kasa isang putok, hanggang sa umuunlad na teknolohiya naimbento na ang pagkalalakas na armas pandigma, ang bomba atomika na ginamit ng Amerika sa Vietnam na kumitil ng libong tao at ang epekto ay nararanasan pa rin hanggang ngayon ng mga Vietnamese. Kung ngayon ay magkakaroon ng malaking Digmaan dahil ang naggigirian ay pagkalalaking Bansa, malaking epekto ito sa pandaigdigang krisis, dahil ang mga sandata ngayon ay mga makabago na, mga computerized na, at mga nuclear bomb... Kung tayo ay mga alagad ni Kristo huwag po tayong mag alala iingatan ng Dios ang kanyang mga anak. Sabi sa ating talata mangyayari talaga ang mga ito pero hindi pa ito ang wakas kundi ito ang pasimula ng mas matindi pang kahirapan. Mga magulang ko at kapatid kumapit po tayo sa Dios, Siya lang ang tangi nating kublihan at saklolo anoman ang mangyari sa Daigdig, panghawakan po natin ang kanyang mga pangako na hindi po tayo iiwan at pababayaan ng Dios. Tuloy tuloy lang po sa paglilingkod dahil ang mga nangyayari sa ating paligid ay tanda na malapit na malapit na talagang magbalik ang ating Panginoong Hesus, magpakalakas po tayo at magpakatibay sa pananalig sa Dios.
Ang pagiingat at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top