What's new

Daily Bread (January 26 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(KAWIKAAN 19:17)
"PARANG PAGPAPAUTANG KAY YAHWEH ANG PAGTULONG SA MAHIRAP...AT PAGDATING NG PANAHON SI YAHWEH ANG MAGBABAYAD" ..
MAPAGpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kung minsan iniisip ng mahihirap na wala siyang kakampi sa panahon ng kahirapan, subalit makikita natin sa talatang ito na ang Dios ang kanyang kalinga, ay naroroon sa mahihirap, hindi komo mahirap ka ay nakaligtaan ka na ng Dios, nakatunghay siya sa iyo...
Ang mga mayayaman ay may pananagutan sa Dios kapag hindi niya tinulungan o kinalinga ang mahihirap. At kapag tayo ay tumulong sa mahihirap, para tayong nagpapautang sa Dios, ginagamit kang daluyan ng Dios upang abutin Niya ang mahihirap.. ito ay maliwanag na nais ng Dios na pairalin natin ang pag ibig, hindi Niya nais na pabayaan natin ang mga kapuspalad, sa bawat ginagawa mong pagtulong nakalista yan sa talaan ng Dios, hindi yan nalilingid sa Kanya.. kaya nga kapag tutulong tayo, huwag na nating ipangalandakan, may Dios na nakakakita ng iyong pagtulong, ang sabi nga ng talata ay parang pagpapautang sa Dios. Ang sabi ng Panginoong Hesus sa( Mateo 6:3-4) "Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”.. Kapag ang iyong pagtulong ay ipanagkakaingay mo pa, wala ka ng gantimpala sa Dios dahil napapurihan ka na ng mga tao, nais ng Dios na huwag tayong maging mapagpaimbabaw sa ating pagtulong..
Naku,! Kahit ngayong panahon ng pandemya, ang mga ilang pulitiko ay ginagamit na daan ang pagtulong sa pangangampanya, ubod ng liit ng bote ng ******* nakalagay pa ang mga pangalan nila, nagbigay ng facemask, nakatatak pa ang pangalan nila, nasaan ang sensiredad ng pagtulong nila? kitang kita na ito ay may kapalit.. nagpapakilala kahit napakalayo pa ng eleksiyon.. Ang pagtulong ay dapat bunsod ng pag ibig, walang inaantay na anomang kapalit, at higit sa lahat ginagawa natin ito para sa Dios at hindi para maparangalan tayo ng ating kapwa.. Kapag tayo ay tumulong ng bukal sa ating puso, at walang inaantay na kapalit at hindi na ipinababatid sa iba may gantimpalang nakalaan sa 'yo ang Dios... Ang sabi ng ating talata.. AT PAGDATING NG PANAHON, SI YAHWEH ANG MAGBABAYAD.. Mas másáráp hintayin ang bayad ng Dios kaysa tanggapin agad natin ang papuri at parangal ng tao sa ating pagtulong.. mas higit na malaki at dakila ang inilalaang gantimpala ng Dios sa mga wagas na pagtulong sa ating kapwa..
Muli ang pagpapala at paglingap ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top