What's new

Daily Bread (January 20 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" LUBOS NA KAPAYAPAAN"
( ISAIAS 23:6)
PANGINOON, BIGYAN NYO NANG LUBOS NA KAPAYAPAAN ANG TAONG LAGI KAYO ANG INIISIP DAHIL NAGTITIWALA SIYA SA INYO.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang talatang ito ay isang panalangin, panalanging hindi para sa sarili kundi para sa ibang tao... Ang nananalangin ay inilalapit sa Dios ang mga taong laging iniisip at pinagtitiwalaan ay ang Dios. Kaya kung iniisip natin si Lord kasama tayo sa panalanging ito. Ang talatang ito ay isa ring halimbawa ng pagmamalasakit sa iba, pagdulog sa Dios para sa iba,. Bilang mga anak ng Dios marapat lamang na hindi lamang ang ating pansariling pangangailangan ang ating idinadalangin kundi maging ang ating mga kapatid sa pananampalataya ay ilapit din natin sa Dios. Lalo na yung mga taong batid natin na walang ibang inaasahan kundi si Yahweh. MGA kapatid sa panahong ito ng maraming mga problema at kahirapan, ng pandemya at karamdaman, mas lalo po tayong manalangin para sa isat isa. Ilapit natin sa Dios ang lahat ng ating mga kapatid kay Kristo.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top