What's new

Daily Bread (January 19 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"ANG PANAHO'Y MALAPIT NA"
(PAHAYAG 1:3)
MApalad ang bumabasa at mga nangakikinig ng mga Salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: Sapagkat ang panaho'y malapit na.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Hindi maikakaila na nasa huling panahon na po tayo mga kapatid, lahat ng mga hula sa Banal na kasulatan ay pawang mga nangyari na at nangyayari sa kasalukuyan. Kaya nga mapalad po tayong mga nagbabasa ng Biblia, dahil hindi lingid sa atin ang mga nagaganap ngayon at hindi tayo nabibigla, kaya lamang ang sabi ay nagiging mapalad ang nagbabasa at nakikinig ng hula kung tinutupad ang mga nakasaad dito... Hindi lang po tayo nagbabantay, dapat ay mga tagatupad din tayo, sundin at isagawa ang mga kautusan ng Dios sa Kanyang mga Salita. Ibang iba na ang takbo ng mundo, marami ng mga nakakasindak na bagay ang nagaganap at marami ng mga batas at alituntunin ang nabago, pahigpit ng pahigpit ang ating kalagayan at animo ay nais kontrolin ng iilang tao ang buong Daigdig. Ang masaklap ay napipilitan ang marami na magpatianod na lamang sa hinihingi ng sitwasyon... Hindi natin mapipigil ang mga kaganapan sa mga hula sa banal na kasulatan ito ay talagang mangyayari sa gusto man natin at hindi. Maging matalino po tayo at alamin kung pwede pa tayong makisabay sa agos ng panahon, dapat nating isaalang alang ang ating pagiging Kristiyano,.. kapag hindi na naayon sa ating pananampalataya ang nangyayari dapat na tayong kumilos at magkaisang gumawa ng maka Dios na pagpaplano, hindi sa lahat ng sandali ay aayon tayo sa takbo ng lipunan.. dahil sa mga nangyayaring ito sa ating paligid nasa likod nito ang pagkilos din ng mga kaaway ng Dios. Mga kapatid malapit na pong dumating ang Panginoong Hesus, maging matalino at mapagbantay po tayo.
Muli ang pagiingat at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top