What's new

Daily Bread (January 16 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"PAG IBIG LANG ANG SUSI"
(ROMA 12:9-10)
9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang pagmamahalan sa loob ng Iglesia ang susi upang maganap ng epektibo ang pangangaral sa iba.
Una, inuutusan tayo ng Panginoon na mahalin natin ang isa't isa sa loob ng iglesia. Ito ay magpapalakas sa atin sa loob ng kapulungan. Ang iglesiang walang pag-ibig sa loob ay mahina. Dapat makita sa atin ang pagtutulungan, kahandaan sa sakripisyo kung kinakailangan para sa kapakanan ng iglesia.
. Pangalawa, inaasahan natin na kapag nakikita ng mga nasa labas ng iglesia ang ating pagkaka-isa, maaakit sila sa ating pagkakaisa. Kaya sabi ng Panginoon, "Makikita nila na kayo ay mga alagad ko."
Ang nakikita ng ibang tao sa atin ay ang ating buhay na patotoo. Patotoo, na tayo bilang mga anak ng Dios ay nagiibigan, sa ganitong paraan, tayo ay nagiging liwanag at asin sa kanila.
Kung malinaw na nakikita sa ating iglesia ang pagmamahalan bilang magkakapatid kay Kristo sa aking palagay, madali na nating magagawa ang ating misyon na humayo at abutin ang mga hindi pa mananampalataya.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Picture1.jpg
 

Attachments

Back
Top